Magkaibigan, Huli sa Pagre-Repack ng Shabu

 

NAHAHARAP NGAYON sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 8294 ang magkaibigan matapos mahuli sa akto na nagre-repack ng ipinagbabawal na droga at mahulihan ng iba’t ibang uri ng baril at bala sa loob ng kanilang tahanan sa Pabahay 2000, Brgy. Muzon, San Jose del Monte City.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Raniel Valones kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Larry Anonuevo, 34; at Roberto Matibag, 39 , ng Blk. 29, Lot 10, Sec. 1, Phase 1, Brgy,Muzon.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong  alas-8:30 ng gabi ng makatanggap ng impormasyon ang mga pulis mula sa isang concerned citizen na may nagaganap na pagre-repack ng Shabu sa nabanggit na barangay.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 6 na pakete ng Shabu at Shabu paraphernalia. Sa pasisiyasat ng mga tauhan ng PDEA at pulis, nadiskubre sa tahanan nito ang iba’t ibang uri ng mga bala ng matataas na kalibre ng baril, kabilang na ang 6 na piraso ng cal. 38 at cal. 22, bukod pa rito ang mga bala ng M16 at M203.

Nabatid na mga suspek na bukod sa pagbebenta ng droga, gumagawa rin sila ng mga sirang baril. Lumitaw rin na walang anumang lisensya o permit ang dalawa sa pagre-repair ng armas.

Samantala, detenido nga-

yon ang dalawa sa San Jose del Monte City Jail habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila.

(TONY DELA PEÑA) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.