Magkaibigan, Hinalay na, Ninakawan pa

MAAGANG NAPARIWARA ang kinabukasan ng magkaibigang dalaga na matapos na halayin ay ninakawan pa ng tatlong ‘di kilalang lalaki sa Barangay Hagakhakin sa bayan ng Gumaca, Quezon kamakailan.

Batay sa pagsisiyasat ni SPO1 Brenda Rodelas ng Women’s Desk Section, lumilitaw na papauwi na ang dalawa kasama ang kaibigang si Jojo mula sa sayawan nang harangin ng mga armadong kalalakihan.

Pumalag si Jojo at nagtangkang tumakbo subalit ginulpi ng tatlong holdaper kung saan iginapos at kinaladkad sa gilid ng riles ng tren kasama ang magkaibigang dalaga.

Dito na halinhinang ginahasa ang magkaibigan bago tinangay ang kanilang mga cell phone at pera ni Jojo.                        (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.