Magka-loveteam, nakitang nag-check in sa hotel, pero wala daw nangyari?!

BLIND ITEM: KINSA Sila? Usap-usapan sa kumpulan ng mga baklitang tsismosa ang magka-love team na sikat na diumano ay may espesyal ding relasyon sa isa’t isa. Matagal-tagal na ring itinatanong sa dalawa kung ano na ang namamagitan sa kanila, pero puro kaibigan, we’re friends, ang sagot nila.

Kuwento ng isang baklita, nakita diumanong nag-check in sa isang hotel sa malamig na probinsiya ang dalawa. Super sweet daw ang mga ito. Kaya nu’ng nakabalik na sa Maynila ang girl, tinanong daw ito ng mga kaibigan niya kung wagi ba ang gabing pinagsamahan nila. Ang sagot daw ni girl ay waley, as in wala.

Hala, nakakaloka talaga, silang dalawa na nga lang sa room, sleephanie mirasol pa rin ang drama nila? Naku ha, kaya pala kuwento rin ng isang singer noon sa radio show ng isang magaling na DJ-TV host na wala ring nangyari sa kanila nitong hunk actor. Hmp, sayang naman. At nanghihinayang daw talaga ako!!!

SI VICE GANDA na siguro ang pinakasikat na gay comedian sa Pilipinas. Visible siya sa telebisyon, nagkaroon ng matagumpay na concert at pelikula noong nakaraang taon. Maganda rin ang pagpasok ng kanyang 2011 dahil nakatakda siyang gumawa ng isa pang pelikula at dalawang concerts sa Big Dome. Hindi kaya siya natatakot sa over-exposure? “Hindi naman. Last year ganu’n din naman iniisip nila pero hindi naman, maayos  naman ang pagma-manage sa akin.”

Nakausap namin si Vice sa piyesta ng Navotas noong nakaraang Sabado, January 15. Isa siya sa mga inaabangang guests ng mga taga-Navotas. Kaya itinanong na rin namin sa kanya kung totoo ‘yung mga agam-agam na palagi raw silang may hindi pinagkakasunduan ng manager niyang si Ogie Diaz?

“Lagi, lagi, noon pa naman sinasabi naman namin… kahit saan naman… mag-ama, mag-ina, magkapatid, may panahon namang ‘di kayo nagkakasundo, napakasinungaling ko kung sinasabi kong hindi sa lahat ng pagkakataon. May mga pagkakataon kaming hindi nagkakasundo pero hindi kami nag-aaway,” seryosong litanya ni Vice.

May mga balita ring diumano ay dumating sa puntong hinamon na raw niya si Kumareng Ogie ng hiwalayan, bilang kanyang manager?

“Hindi, noon ko pa sinabi ‘yan at kaming dalawa, may pangako sa  isa’t   isa   na    hindi kami   mag-

iiwanan. Magkaroon man ng kaunti o malaking pagbabago sa mga buhay   namin,     hindi    kami   mag-

iiwanan ni Ogie. Si Ogie ay kasama ko nu’ng nagsisimula pa lang ako, napaka-minor lamang ng hindi namin pagkakaintindihan eh, schedule, mga gusto ko na hindi niya gusto, mga  gusto niya na hindi ko gusto, so minor lang. Hindi ‘yun mananaig sa pinagsamahan namin, sa mga kabutihang mga nagawa niya sa buhay ko.”

Sinulat na rin ni kumareng Ogie dito sa Pinoy Parazzi na walang namagitang kontrata sa kanila ni Vice. Bakit nga ba wala kayong kontrata Vice?

“Wala, hindi namin kailangan ni Ogie ng kontrata, mas iba ‘yung kontrata ng puso at isipan kaysa kontratang nilikha ng papel at bolpen.”

Sa isyu namang umatras na raw at hindi nag-renew ng kontrata ang telecom company na kanyang ini-endorso, ito lang ang masasabi ni Vice, “Ay abangan n’yo na lang. Alam mo, nakarating na sa akin ‘yan, may nag-tweet sa akin. ‘Uy hindi na raw nag-renew’, tinawagan ko agad si Ogie. ‘Ogie hindi na ba nag-renew?’ Ano ka ba ‘teh, ‘eto nga kinukulit nga nila ako for schedule ng shoot.”

Happy ako for Vice na malayo na ang narating na kaibigan na namin, panahon pa ni President Joseph Estrada.

PAHABOL NA BLIND Item: Kinsa Siya? Sino itong young actor na pasaway na hindi na masyadong aktibo sa ngayon ang nagpadagdag ng bolitas sa nota?

Tutok lagi sa Juicy, daily (12 NN), sa TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, sa TV5; at sa Cristy Ferminute, Radyo Singko, 92.3 newsFM, daily, 4 to 6 PM.

Sure na ‘to

By Arniel Serato

loading...

One thought on “Magka-loveteam, nakitang nag-check in sa hotel, pero wala daw nangyari?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.