Maging Happy, Yipee at Yehey Kaya?

MAGBUBUKAS NA NAMAN ang isang panibagong noontime show sa ABS-CBN, ang Happy,

Yipee, Yehey na balita ng inyong lingkod eh, puno raw ng kulitan at tawanan sa pagsasama-sama ng walong hosts na sina John Estrada, Randy Santiago, Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, Melai Cantiveros, Bianca Manalo, YouTube star na si Jobert at Bentong. Hindi na bago sa noontime slot sina Papa Randy at Papa John na matalik na magkaibigan mula pa noong kanilang MTB days. Ang bagong programang ito eh, nagsilbi namang daan para magkabati ang minsang nagkatampuhang sina Toni at Mariel.

Ngayon pa lang, naghahanda na ang lahat sa pilot episode nito sa February 12 sa Ynares Sports Center.

Ang tanong siyempre ng mga mahadera, kung magtatagal daw ba ang show na ito? Hopefully eh, sana

mag-WIN na at ‘di agad ma-LOSS kaya abangan natin at pakatutukan na lang, deevah?

Naispatan naman ng inyong mga kaparazzi ang ilan sa mga host nito sa ginawang pictorial sa The Room ni Ian Felix Alquiros sa Panay Ave., Quezon City. Silip na!

Photo by: Luz Candaba, Mark Atienza and Ricky Agapito

By MK Caguingin

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.