Magic 12, kumpleto na

KUMPLETO NA ang “Magic 12” ng Senado.

Ito ay makararaang ipinroklama na ng Commission on Elections ang nalalabing tatlong senator-elect sa katatapos na May 13 midterm elections.

Ito’y sina Cynthia Villar, JV Ejercito at Gregorio Honasan.

Nagsama-sama naman ang mga malalaking pangalan sa mundo ng pulitika sa huling araw ng proklamasyon ng mga nanalong senador.

Kasama ni Cynthia Villar ang esposo na si Sen. Manny Villar at kanilang mga anak.

Si Senator-elect Ejercito ay kasama ang kanyang amang si dating Pangulong Joseph Estrada.

Si re-elected Senator Honasan ay kasama naman ang malapit na kaibigan at Senate Majority Leader Tito Sotto III.

Ang mga senator-elect na sina Nancy Binay at Koko Pimentel na hindi sumipot sa kanilang sariling proklamasyon makaraang kuwestyunin ang batayan ng Comelec sa pagproklama ng mga halal na senador kahit hindi pa nangalahati ang bilangan ng mga certificate of canvass, ay humabol.

Kasama ni Binay ang amang si Vice-President Jejomar Binay.

Kasama naman ni Pimentel ang mga anak at ang magulang.

Samantala, una nang naiproklama ng Comelec ang Top 9 na senators-elect.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.