Magdyowa, Patay sa Ambus

PINAGHAHANAP NA NG mga kinauukulan ang apat na kataong umano’y suspek sa pamamaril sa magkasintahan habang nasa kanilang sasakyan sa bayan ng Maramag, lalawigan ng Bukidnon.

Kinilala ang mga biktimang sina Usmon Rey Dalugdog, taga-Davao City; at Colombia Alfan Caragay, residente naman ng Brgy. Patag, Cagayan de Oro City.

Ayon kay SPO1 Junolan Tama ng Maramag Police Station, M-16 armalite rifles ang ginamit ng mga salarin sa pamamaril sa mga biktima.

May mga impormasyon na naglabasan na mayroong kinakaharap na kasong illegal drugs at carnapping si Dalugdog.

Napag-alaman naman na galing sa siyudad ang mga biktima at papuntang Davao City nang sila ay tambangan ng mga nabanggit na salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.