Magdyowa na?! Jason Abalos, inuumaga sa bahay ni Jewel Mische?!

HINDI MAN AMININ nina Jason Abalos at Jewel Mische na mag-dyowa na sila. Hindi itinatanggi ng binata may mutual understanding na silang dalawa. Madalas silang napagkikitang magkasama sa mga lakaran at gimikan. Kung minsan nga, nagbababad pa raw ang aktor sa bahay ng dalaga na inaabot pa ito nang madaling-araw, ayon sa aming source.

Nag-iba raw ang pananaw sa buhay ni Jason nang makilala niya si Jewel. Inilapit daw siya ng dalaga sa Panginoon. Ngayon daw, natutong manalangin ang aktor at magpasalamat sa Poong Maykapal sa lahat ng blessings na dumara-ting sa kanya. Sa paningin ni Jason, Jewel is like angel na hulog ng langit. Ipinagdarasal niya na sana’y hindi sila maapektuhan kung anumang intriga ang ibabato sa kanila. Pagtitiwala sa isa’t isa ang pinanghahawakan nilang sandata.

Minsan nang naka-relasyon ni Jason si Maja Salvador na tumagal lang ng almost a month. Wala ta-yong narinig na pag-amin sa kanila dahil panandalian lang ang kani-lang relationship. Na-link din ang aktor kay Kim Chiu pero naudlot ang panliligaw dahil kay Gerald Anderson.

 

TULUYAN NA NGANG naghiwalay ng landas sina Jake Cuenca at Melissa Ricks. Ang pagiging pabling daw ng aktor ang naging dahilan ng kani-

lang break-up. Ayon sa dalaga, wala nang dahilan para magkabalikan pa silang muli. Happy ngayon si Melissa sa pagiging single, ganu’n din si Jake. Pero nag-iiwasan tuwing nagkikita sila sa mga social gathe-ring ng ABS-CBN. Ibig kayang sabihin, wala pang closure ang kanilang split-up ?

Ang latest, nanliligaw ngayon si Jake kay Lovi Poe. Pinupuntahan ng aktor ang dalaga sa tinitirhan nitong condo unit. Kapag hindi sila magkasama sa gimikan, asahan mo telebabad ito sa kanyang cellphone na kausap ang aktres. Dibdiban daw ang ginagawang panliligaw ni Jake kay Lovi kahit hindi pa malinaw kung totoong ang break na sila ni Ronald Singson.

Kung si Lovi ang tatanungin tungkol kay Jake, ayaw nitong mag-comment about her personal life. Mas mabuti raw ang aktor na lang daw ang tanungin namin.

“As of now, naka-focus ako sa aking career. Huwag naman ninyong bigyan ng malisya if I go out with guys. I just want to have fun and enjoy life with my friends,” say ni Lovi.

 

WALANG KAABOG-ABOG NA pinag-uusapan ang paglagay sa tahimik nina KC Concepcion at Piolo Pascual. Pinabulaanan ni PJ ang balitang ito, ganu’n din si KC. Nilinaw ng aktor na wala pa silang planong magpakasal. Oo nga’t minsan, napag-uusapan ang tungkol sa bagay na ‘yun, pero marami pa silang gustong ma-achieve sa kanilang buhay.

Pangarap ni KC, maging isang magaling na aktres tulad ng kanyang Mommy Sharon Cuneta at magkaroon ng acting award. Makagawa ng makabuluhang pelikula na hahamon sa kanyang kakayahan bilang artista. Makapag-portray ng iba’t ibang character sa pelikula at telebisyon.

Feeling ni KC, parang ngayon lang nagsisimula ang kanyang showbiz career. Marami pa siyang dapat matutunan about her craft as an actress. Gusto rinniyangmaging director at idirek ang future husband na si Piolo.

Ayon kay KC, if ever na ikakasal siya, gusto niya, beach wedding dahil mahilig siya sa beach. “Bata pa lang ako, ‘yun talaga ang dream ko. Pareho kami ni PJ, gusto rin niya beach wedding.  ‘Yung intimate lang, close friends and relatives para may privacy. As of now, malayo pang mangyari ‘yun, dahil marami pa kaming gustong gawin. Ini-enjoy naman namin ‘yung relationship that we have. Pareho kaming busy pero we have time to each other naman.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

9 thoughts on “Magdyowa na?! Jason Abalos, inuumaga sa bahay ni Jewel Mische?!

  1. hahayyy over talaga mga nega kay piolo, kung mag comment parang naka witness talaga and if i know yang ng cocomment coment sa gender ni piolo ay yun pala ang mga gay or closet gay wahahhahahha live some life naman po! ur own life at makatulong pa kayo sa pamilya at lipunan nyo  :)

  2. alam nyo ang kitid ng mga reasons nyo,they alwys saying that piolo is a gay, may prove ba kayo,it means si piolo matino pagdating sa relationship ayaw nyang palipat lipat ng gf,im not an avid fan of piolo pero sa tingin ko unfair nman yong mga sinasabi nila about him. mag hunos dili kayo it regards to comment.

  3. Mauuwi sa hiwalayan yan kahit ikasal ala CARMINA AT RUSTOM. Naging sila ni RUSTOM NUN. Naging boyfriend ni rustom si Piolo nun, at nagkarelasyon din sila ni ERIC QUIZON. Kaya nga nung ininterview si bebe gandanghari kung type ba niya si PIOLO ang sabi ni bebe lalake daw ang type niya at hindi yung kauri niya hehehhe…..