Magdamag na Yumanig: 2 Lindol, Naitala

DALAWANG LINDOL ang naitala at magdamag na yumanig sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na unang niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bayan ng San Joaquin sa Iloilo, alas-12:32 ng madaling-araw kahapon.

Naitala ang sentro nito sa 38 kilometro timog-silangan ng San Joaquin at may lalim na 23 kilometro.

Alas-3:17 naman nang nilindol din ng magniutude 3.3 ang San Manuel, Isabela.

Naitala rin ang sentro nito sa 4 kilometro hilagang-kanluran ng San Manuel at may lalim na 25 kilometro.

Samantala, wala namang naiulat na pinsala dulot ng nasabing lindol na kapwa tectonic ang origin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.