Magdalo Group, Aapela sa Korte sa Kasong Coup D’ Etat

AAPELA SA korte sina First Lieutenant Rex Bolo at Lawrence San Juan na naakusahang guilty sa kasong coup d’ etat hinggil sa naging partisipasyon sa July 2003 Oakwood Mutiny.

Sinabi ni  Atty. Analyn Clarence, abogado nila San Juan at Bolo na ilalaban nila ang kaso kung saan nasentensyahan ng anim hanggang 12 taong pagkakabilanggo ang kanyang mga kliyente.

Maaalala na ang naturang Oakwood Mutiny ay pina-ngunahan ng mga opisyal ng Philippine Navy, kasama ang ngayo’y Senador Antonio Trillanes IV, hinggil sa umano’y korapsyon sa militar sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Samantala, noong 2010, inalok ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ng amnestiya ang mga kasapi ng Magdalo group sa kundisyon na hindi na sila babalik pa sa Armed Forces, ngunit tinanggihan nila ito sapagkat nais pa rin nilang bumalik sa serbisyo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.