Magbubuko, pinagtataga ng kasamahan

MISTULANG BUKONG PINAGTATAGA ang isang buko vendor ng kanyang kasamahan matapos na magtalo ang mga ito habang nag-iinuman sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Agad na namatay sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng mga tinamong taga ng jungle bolo sa leeg at braso ang biktimang si Albert Reyes, 31, ng # 4 Instanislao St., Brgy. 34, Maypajo ng nasabing lungsod.

Nakapiit naman ngayon sa detention cell ng Caloocan City Police ang suspek na si Albert Manaluz, 27, kapitbahay ng biktima na agad na naaresto ng mga rumespondeng barangay tanod.

Sa nakalap na impormasyon sa Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong ala-7:45 ng gabi sa kahabaan ng Instanislao St., Brgy. 34, Maypajo.

Ayon sa salaysay ng mga nakasaksi sa pulisya, unang nakitang nag-iinuman ang biktima at ang suspek kasama ng ilan pa nilang kaibigan nang bigla na lamang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga ito.

Bigla na lamang uma-nong kinuha ng suspek ang kanyang jungle bolo na ginagamit sa buko at walang awang pinagtataga ang nabiglang biktima na tinamaan sa leeg at braso.

Hindi naman nagawa pang makatakas ng suspek sa mabilis na pagresponde ng mga barangay tanod ang naganap na insidente dahilan upang mabilis na rumesponde ang mga ito na naging dahilan upang maa-resto ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.