Magbespren, nagduwelo; 1 dedo

NAUWI SA kamatayan ng isa ang tagaan ng dalawang magkaibigan sa Barangay Cogon, Sigma, Capiz.

Ang sugat sa tiyan ang ikinasawi ni Romano Fuentes, 44, ng Sapian, Capiz, habang sugatan naman sa kamay si Arnelio Galagate, 21, ng Tapaz, Capiz.

Sa imbestigasyon ng Sigma Police Station, nag-iinuman ang dalawa kasama ang isa pang kaibigan na si Ronald Ucag sa bahay ni Rosita Ucag nang magkaroon ng mainit na pagtatalo dahil sa sobrang kalasingan.

Napag-alaman na unang tinaga sa kamay ni Fuentes si Galagate gamit ang itak at gumanti naman ang huli sa pagtaga sa tiyan ng kaibigan.

Isinugod pa sa Mambusao District Hospital si Fuentes ngunit idineklarang dead on arrival, habang si Galagate ay patuloy na ginagamot sa Ro-xas Memorial Provincial Hospital.                       (E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.