Magbebenta ng malalakas na paputok, aarestuhin

AARESTUHIN ANG SINUMAN mahuhuling magbebenta ng malalakas na klase ng paputok ngayon darating na Kapaskuhan at Bagong Taon sa Navotas.

Ayon kay Navotas Mayor John Rey Tiangco, maaari namang

ipagdiwang ng mga residente ang Pasko at Bagong Taon nang hindi gumagamit ng malalakas na uri ng paputok na kadalasang nagiging dahilan ng pinsala sa kabuhayan at kalusugan ng tao.

Nakatakda ring kasuhan ng lokal na pamahalaan ang mga negosyanteng mahuhuli ng mga awtoridad na nagtitinda ng mga ipinagbabawal na uri ng paputok.

Pinaalalahanan din ni Tiangco ang mga magulang na huwag payagang bumili ang kanilang mga anak na watusi at piccolo na sinasabi ng Department of Health na labis na nakakapinsala sa katawan ng mga bata.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.