Magbabarkada, niratrat sa inuman

KASALUKUYANG NAKIKIPAGLABAN kay kamatayan ang magbabarkadang nag-iinuman ng alak matapos paulanan ng bala ng kanilang kapit-bahay na sinasabing lango sa bawal na gamot sa Barangay Mabini sa bayan ng Gamu, Isabela kamakailan.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktima na sina Marcos Serio; 23; at ang mag-utol na John Domingo, at Reynante Domingo na kapwa residente rin ng naturang lugar.

Nabatid na binato ng suspek na si Christian John Calpito ang bubungan ng bahay ng pamilya Domingo kung saan doon nag-iinuman ang mga ito.

Nang sitahin ng mag-utol na Domingo ang suspek ay umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan malubhang nasugatan ang mga biktima.

Tinutugis naman ng mga kinauukulan ang salarin habang ginagamot sa pagamutan ang magkakaibigan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.