Magandang TV host, itinatanggi pa rin ang anak na nasa grade school na!

HANGGANG NGAYON, ITINATANGGI pa rin ni magandang TV host ang kanyang anak na ngayon ay nasa grade school na sa isang private school sa Parañaque. Kung minsan, isinasamang mamamasyal ni TV host ang kanyang anak, pero hindi puwedeng walang chaperon, dahil iwas ito na makitang magkasama silang dalawa ng anak.

Minsan daw ay nagtanong ang magandang bata sa kanyang lola, bakit daw parang ikinahihiya siya ng kanyang mommy, hindi ba raw siya pretty at bad girl ba raw siya? Hindi alam ang isasagot ng lola kaya niyakap na lang daw ang magandang bata, na anak ni TV host sa isang kilalang businessman.
Sa totoo lang, siguro dapat nang magising sa katotohanan ang TV host na ito na kailangan na niyang ipakita sa publiko at aminin na siya ay may maganda at ismarteng anak. Dahil una at higit sa lahat, hindi na naman siya youngstar at may image na pinangangalagaan.

“Ewan ko ba sa kanya, basta ako naawa ako sa bata sa tuwing makikita ko siya. Kasi kung anak ko lang ‘yang aktres na iyan, baka kinurot ko iyan at pinagsabihan nang bongga-bongga! Bakit niya ikinahihiya ang aking apo?!” Sey iyon ng isang taga-BF Homes na aming spy.
(By Morly Alinio)

Previous articleBasketball player, nagsi-shoot sa dalawang bebot?! P11
Next articlePinoy Parazzi Vol 4 Issue 81 June 22 – 23, 2011

No posts to display