Magandang dalaga, nakaligtas sa sex maniac

NAKALIGTAS SA TANGKANG panghahalay ng umano’y sex maniac ang isang magandang dalaga matapos itong magkunwari na pumapayag siyang makipagtalik dito noong Lunes ng gabi sa Valenzuela City.

Tanging panloob lamang ang suot ng biktimang si “Janice” (hindi tunay na pangalan) 23, factory worker, at residente ng East Road, Barangay Paso De Blas, Valenzuela City nang kumaripas ito ng takbo at dumiretso sa Police Community Precinct (PCP) 1 upang ireklamo ang suspek na si Enrico Namos, 35, binata, tricycle driver at residente ng # 531 Purok 4, Barangay Mapulang Lupa, Valenzuela City.

Base sa reklamo ng biktima kay PO1 Susan Gacutan, ng Women’s and Children’s Protection Desk ng Valenzuela City Police, naglalakad siya sa kahabaan ng East Service Road pauwi sa kanilang bahay bandang alas-10:30 ng gabi nang harangin siya ng suspek na nakasakay sa bisikleta.Tinutukan siya nito ng balisong sa leeg at saka hiningi ang kanyang pera at cellphone.

Nang matitigan ng suspek na maganda at seksi ang biktima, kina-ladkad niya ito sa madamong parte ng kalsada at inutusang maghubad.

Nagkunwari ang biktima na payag na siya sa balak nito at inutusan itong itabi muna ang bisikleta at tsinelas niya upang walang makakita sa kanila.

Nang tumalikod ang suspek upang itabi ang kanyang bisikleta, sinabayan ito ng takbo ng biktima at nagtungo sa presinto.

Naaresto ng mga tauhan ni PCP 1 Commander Senior Insp. Rhoderick Juan ang suspek na natutulog sa bahay ng isang kaanak sa De Castro St., Paso De Blas.

Samantala, sinabi ni PO3 Lorena Hernandez, OIC ng WCPD, na nakulong na noong Enero 2005 si Namos sa tangka ring panghahalay. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Magandang dalaga, nakaligtas sa sex maniac

Leave a Reply

Your email address will not be published.