Magandang Aktres, ‘Kapwa Ko Mahal Ko’ ang Drama!

OLA CHIKKA! NAKAKALOKA, araw na naman ng Miyerkules at nakakaloka ang bagyong Juan! Kumusta naman kahapon? Napakalamig talaga at ang lakas ng bagyo kaya ang lola mo kahit may bagyo, work to death ang lola mo.

Heto na simulan na natin, dahil ang pag-uusapan natin ngayon, kung binagyo ba ang teleserye ni Sarah Geronimo? Dahil bali-balita, Flopsina na raw ngayon si Sarah Geronimo. Sabi ng aking source, ang kanyang mga naging telerserye lang talaga ang mga naging Flopsina.

Hahaha! ‘Yun lang ang akala ng mga fans niya.. pero ‘pag dating naman sa mga concert ay suportado pa rin ng mga fans. Aminin naman talaga natin, wala talagang talent sa pag-arte kaya huwag na nating pagpilitan, ‘di ba? Kumanta ka na lang ‘te, dahil iyan talaga ang pinalad sa ’yo, huwag na tayong magpumilit umarte. Hahaha! Pakkkkk!!!!

AT SIYEMPRE, NAGPAPASALAMAT po ulit kami sa mga sumuporta sa event namin nitong nakaraang Sabado sa Venice Piazza sa may The Fort, ang EUROFEST 2010 EUROCLUB, na isa sa mga sponsor doon ang ANZHAL CARPAINT ng CENTURY CHEMICALS CORPORATION na talagang maraming sumusuporta sa kanila. Kasama namin doon ang vice-president ng Century na si Sir Elly Ong at ang kanyang kapatid na si Kirby Ong, at ang mga models ng 100 sexiest ng FHM na sina Jahziel Manabat at Fines Pena, at ang mga staff ng Olachikka Production na sina Lady Camille at Lady Khianna at si Ms. Betchay. Nagpapasalamat kami sa mga sumuporta, dahil sa inyo po ay naging successful po ang event namin. Maraming maraming salamat sa ANZHAL Carpaint… Godbless.!!!

AT HETO PA, nakakalurki talaga dahil itong isang baklang anchor ay bali-balitang nasapak siya nu’ng mga nakaraang araw dahil sa mga blind items. At ano’ng sinasabing sumisikat na siya ngayon, haler?

Dapat lang masapak siya at makatanggap ng death treats. Kasi naman ‘te, magbigay ka naman ng mga blind items na may katotohanan at hindi ‘yung gawa-gawa mo, may masabi ka lang sa programa mo. At masama raw talaga ang ugali nito at mukhang datung pa. Alam mo na at alam din ‘yan ng mga malalapit sa kanya.

Kaya ka nasasampal ‘te, ayaw mong umayos. Kulang pa ‘yan sa mga napagdaraanan mo ngayon dahil sa sama ng ugali mo… ‘di ba? SHALALA? HAHAHA!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG: Mahulaan n’yo kaya ito? Naloloka talaga ako at bumagyo na rin ang jutak ko sa aking parazzi girl. Itong isang actress na maganda naman at marami talagang nalI-link sa kanyang boylet at mga papabol, ewan ko ba bakit wala akong nababalitaan na may naging jowa ito.

Alam n’yo ba kung bakit? Kasi mas bet daw nitong meralat ay T-bird. Ay, kaloka…! Babae sa babae! Hahaha! Mawiwindang talaga kayo ‘pag nalaman n’yo kung sino ito.

Talagang may jowa siyang tomboy na isa nga raw director, ang taray!!!

Kakaloka ang bagyong Juan, kung ‘di n’yo mahulaan, pwessss…  Makinig po kayo sa aking OLA CHIKKA, NOW NA!!! Simula Lunes hanggang Biyernes, sa ganap na 11:30 – 12:00 ng tanghali sa DWSS 1494khz. Kasama ko ang aking co-host, ang napakaganda at walang sawang naghahatid ng chikka na si LADY CAMILLE. Makinig na kayo para sa clue ng aking blind item. Para sa mga gustong mag-online http://dwss-am.mellow947.fm. Maraming Salamat! BADJAO!!!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Related Post

loading...

18 thoughts on “Magandang Aktres, ‘Kapwa Ko Mahal Ko’ ang Drama!

  1. IKAW DAPAT SWARDING ANG MABUGBOG KSE WLANG KWENTA ANG SINUSULAT MO, PURO HEARSAY AT IMBENTO.DI KO ALAM KUNG NAKAKATULOG KA PA NG MAHIMBING SA MGA ARTISTANG SINISIRA MO.

  2. eh kasi nag mamaldita na mayabang na at pera ang sinasamba na ina ni sarah kaya ganono din sya kaya yan dapat nga lang namawala na at tama na yong korona nya na FLOP STAR SARAH GERONIMO,,FLOP STAR SARAH GERONIMO YEHHHH

  3. sobrang pangit kasi ng istorya. parang nagkaroon lang ng media hype noong nagsimula. at saka dahil sa mga sunod sunod na negative publicity tungkol ke sarah parang wala nang gustong manood ng idol tuloy. i think it is about time na alisin na ni sarah ang sobrang pa sweet image nya. kung hindi maiiwanan na talaga siya.

  4. T-BIRD SI BEA!

    may tsismis pa nga na may crush siya kay SHAINA kaya galit siya kay JOHN LLOYD kasi “inagaw” nito ang best friend niya.

    may babaeng assistant director nga daw na nag-suicide ng dahil kay BEA pero may news blackout ang ABS-CBN kaya walang lumabas na detalye tungkol dito.

  5. Hindi si Sarah ang flopsina, kundi ang project na ibinigay sa kanya ng dos! Kahit kay Sharon Cuneta pa ini-assign iyong Idol, magiging flop pa rin iyon noh.

    Tita Swarding, huwag masyadong insecure kay Shalala, pana-panahon lang iyan. Mas uso siya at mas popular sa iyo ngayon, deal with it.

    Puro tsismis naman iyong pagiging tibo ni Bea, and if ever totoo, so what?! Ang importante, nadadala niya ng maayos ang mga tv assignments niya, at maganda pa rin naman siyang panoorin (physically).

    • Duh. Ka-love team ni Sharon si Coco at Sam? Malamang talaga magflop yun! Aminin mo na kasi na flop actress si Sarah. Lahat ng soaps niya nag-flop. Kaya lang bumongga yung movies niya ay dahil kay John Lloyd.

      Since proven na flop actress nga si Sarah, pansinin niyo sa mga susunod na mga linggo or buwan, unless bigyan ulit ng proj si Sarah, wala nang mga you actors na mag-coconfess na type nila si Sarah. In short, wala nang manggagamit sa kanya. Lol.

      • ewan ko lang ha kung katangahan lang talaga ang lumabas sa utak mo YUMI…sa tingin mo ba ipapareha si sharon kay coco, or maybe bobo ka lang talaga, and aminin mo man o hindi, nanood ka ng movies nila ni John Lloyd, ang sinungaling mamatay ngayon din, wag kang plastik te, pag sinabing flop yung tao, flop lahat ng ginawa nya, flop ba ang movies nya with john lloyd?flop ba ang concerts nya here and abroad?hindi mo masasabing flop ang tao sa isang pagkakamali, basura kung basura ang IDOL and sa totoo lang pangit talaga ang IDOL, pero umamin ka, NANOOD KA…

  6. after mico palanca sa tomboy naman pumatol si bea. that was noon ewan ko lang ngayon. 220 yung kay balyena at chonggo noh. si bea at gerald na

  7. BI- Bea Alonzo

    tagal na nitong pinag uusapan, kaya kahit kailan di sya nagkaka bf kahit maraming nalilink sa kanya isa na dati si jake cuenca.

Leave a Reply

Your email address will not be published.