Magaling na indie actor, talamak na ang pagiging adik sa droga, nagpapa-booking na rin

BLIND ITEM: Isang indie actor ngayon ang usap-usapan sa isang umpukan sa isang donut store sa may Quezon City na tuluyan na yatang napapariwara.

Ang tsika ay talamak na raw ngayon ang kanyang pagiging addict sa pinagbabawala na gamot. Ang payat-payat na raw nitong si Indie Actor.

Marami ang nanghihinayang sa kanya dahil nga may ibubuga naman ito sa aktingan. At kung hindi kami nagkakamali, may mga natanggap na rin siyang parangal sa aktingan.

May dagdag pang tsika na bukod sa drugs ay open na siya sa pagiging escort sa mga bading o kung sinuman sa halagang 100 dollars.

Naku, sabi naman ng isang bading na reporter, “Naku kahit naman hindi nag-aadik ngayon, pahada na siya noon pa. Sa halagang 1,500 nga nagpapahada na ‘yan,” sey niya.

Ayun na, nagsanga-sanga na ang tiska sa ating bida. Basta ang alam ko, babae ang nasa breakwater… at sayang haring-hari pa naman siya… O, gets n’yo na?

By Fernan de Guzman

Previous articleBayarang Batas!
Next articleEugene Domingo, shocked sa pagkakaroon ni Ai-Ai delas Alas ng dyowang bagets

No posts to display