Magaling na aktor, nambubugbog ng dyowa?!

MERONG NAGTU-TWEET SA amin, kaibigan ng misis ng isang magaling na aktor, pero hindi masyadong visible sa TV si aktor. Although ang alam namin, kasama siya sa isang teleseryeng hindi pa naipapalabas hanggang ngayon.

Ang sumbong niya,  ang kapal daw ng mukha ng aktor. Palibhasa raw manghuhuthot ng bading. Me anak daw ito sa kaibigan niya, pero hindi na nga nagsusustento, nanghihingi pa raw.

At ang masaklap pa, “Sobra ho siya kung manakit ng misis niya. Ewan ko ho kung nakadroga ba siya ‘pag binubugbog niya ‘yung kaibigan ko o talagang walang-wala lang siya sa buhay!”

Meron pa raw isang babaeng naanakan ito, “Hindi ko lang alam kung ‘yun din ang ginagawa niya sa babae. Sana, magbago na siya. Kaya hindi umusad-usad ang career niya dahil iba ugali niya.

“’Pag wala ngang pera ‘yan, naghahanap ng bakla ‘yan, eh!”

Hahahaha! Naaaliw na lang kami sa kuwento. Hindi naman agad namin mapaniwalaan, dahil hindi naman namin kilala ‘yung ka-DM namin sa Twitter. Tsinek pa namin ang Twitter account nito.

Halatang nagbukas lang ito ng Twitter account para i-follow kami at isumbong sa amin ang isyu ng aktor sa misis nito, dahil kami lang ang kaisa-isang pina-follow nito. Wala nga namang ibang followers na puwedeng mag-follow sa kanya, dahil zero din ang number ng followers niya.

Eh, naaalala namin. Nu’ng isang araw, sa isang coffee shop ay nakita naming pumasok ang aktor na tinutukoy. Sinita pa nga namin dito ang bonggang kalmot nito sa braso at biniro naming, “Nakipag-away ka na naman sa nanay ng mga anak mo, ‘no?”

As usual, idinenay. Pero puwede rin namang kalmot ‘yon ng baklang mahahaba ang kuko, ‘di ba? Hahahaha!

Anyway, hindi para husgahan namin siyang nambubugbog siya ng dyowa niya.

Si aktor ay nandito sa ‘Pinas at wala sa ______.

(By Ogie Diaz)

 

loading...

6 thoughts on “Magaling na aktor, nambubugbog ng dyowa?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.