Blind Item: Magaling na actress, nangharbat ng libreng CD

MAHULAAN N’YO KAYA kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo? Naku, mga kafatid, maloloka kayo dahil itong si sikat na actress, akalain n’yo harbatera na rin pala. Ha! Ha! Ha! Yes, trulily mga kafatid, dahil noong isang araw ay ako mismo ang nakakita kung paano kinulimbat ng isang magaling na actress na ito ang mga trailer CD ng pelikula kung saan kasama rin siya. Kung nakapanood kayo ng laro ng Eat Bulaga kung saan naghahakot ng pera ang contestant, ganu’n din ang ginawa ni actress. Ang dami talagang nahakot, ‘yung iba nahuhulog na  at take note, may dala siyang malaking bag. Wala siya keber kung tingnan man siya ng ilang mga tao. Nakakahiya. Ha! Ha! Ha! Ang nakakaloka lang ay aanhin naman niya ang sangkaterbang CD na ‘yun? Ano gagawin niya? Ipamimigay niya? Ano na kaya ang nangyari sa actress na ito? Naku, ha! Humakot pa naman ito ng bigating awards hindi lang dito sa bansa kung pati sa ibang bansa na rin. Pati ang aming CD ay hindi rin niya pinaligtas, hinakot rin. Naku, hindi na ako magbibigay ng clue dahil given na ito. Hanapin niya na lang kung sino ang matandang actress sa pelikulang iprinodyus ng PCSO. ‘Yun na!

By Tita Swarding

loading...

2 thoughts on “Blind Item: Magaling na actress, nangharbat ng libreng CD

Leave a Reply

Your email address will not be published.