Mag-utol, todas sa taga; suspek, patay sa bato

LABIS NA kalungkutan ang nararamdaman ngayon ng pamilya ng dalawang menor de edad sa Leyte matapos pagtatagain hanggang sa mapatay ng kanilang kapit-bahay habang natutulog ang mga ito sa mismong bahay ng mga biktima.

Kinilala ang mga biktima na sina Cristine Mae Badyao, 8, Grade 2, at ang bunso nitong kapatid na si Joven Badyao, 2.

Kaugnay nito, napatay rin ang salarin na si Ariel Rias, 42, residente ng Barangay Anibongon, Abuyog, sa naturang lalawigan matapos pagtulungan ng mga residente na pagbabatuhin.

Sinabi ni Pol. S/Insp. Catalino Laudia, hepe ng Abuyog Municipal Police Station na nagalit ang salarin sa ina ng mga biktima matapos hindi ito binigyan ng kanin.

Samantala, napag-alaman naman mula sa pamilya ng salarin na pinaniniwalaang may diperensya ito sa pag-iisip.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.