Mag-utol, Tigok sa Kidlat; 2 Pa,Sugatan

MISTULANG NALITSONG baboy ang dalawang magkapatid na bata habang dalawa pa ang sugatan nang matamaan ng kidlat ang kanilang bahay habang silay natutulog sa Barangay Farola, Tagudin, Ilocos Sur.

Nakilala ang mga biktima na sina Rhea Jane Masellones, 8, at Raymund Jay Masellones, 11, habang sugatan naman sina Evelyn Palloto Cabarsi, 31; at Elejo Palloto Cabarsi, 23, pawang nakatira sa nabangit na barangay .

Nabatid na natutulog ang mga biktima sa isang bahay na gawa sa light materials sa tabi ng dalampasigan nang bigla na lang tamaan ng kidlat na siyang dahilan ang agarang pagkamatay ng magkapatid at kasama pa nilang dalawa na kasalukuyang inoobserbahan sa isang pagamutan.

Si Elejo ay nagtamo ng second degree burns habang si Evelyn ay nasunog naman ang kanyang kanang hita na ginagamot ngayon sa Tagudin General Hospital.

(TONY DELA PEÑA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.