Mag-utol, sinaniban ng masamang espiritu

PINANINIWALAANG SINAPIAN ng masamang espiritu ang magkapatid sa Barangay Linabuan Norte, Kalibo, Aklan.

Sinasabing mas pinili ng mga kaanak ng 21-anyos na babae at 25-anyos na lalaki na dalhin sa albularyo ang magkapatid na patuloy ang ipinapakitang lakas, umuu-ngol, biglang natutumba at tumitirik ang mga mata.

Sa isang panayam sa isang radio station, inamin umano ng babae na bago nangyari ang pagsapi sa kanila ay may naaninag siyang maitim na lalaki, mahaba ang buhok at nakatatakot ang mukha na sunod nang sunod sa kanyang kapatid na lalaki.

Gayunman, sinabi ng mga kamag-anak ng babae na tanging siya lamang ang nakakikita nito.

Habang nagkukuwento ang babae ay magkasunod silang na-possess ng kanyang kuya na inawat pa ng walong katao subalit kakaiba ang kanilang ipinakitang lakas.

Ayon naman sa albularyo na si Mang Kanor, maaaring may galit sa babae ang masamang espiritung sumasanib sa kanya kung saan kahit nasa Zambales na ito sa lugar ng kanyang mister ay sinusundan pa siya.

Palagi umano siyang pino-possess sa Zambales dahilan para iuwi na siya ng kanyang mister sa Aklan.

(E. CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.