Mag-Utol na Tulak, Tiklo

SWAK SA kulungan ang magkapatid bunsod ng isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Urdaneta City, Pangasinan.

Ang mga nasabing salarin ay kinilalang sina Mahid at Jamil Mamayandog, kapwa residente ng barangay Camantiles sa nabanggit na lungsod.

Nakuha sa kanilang kustodiya ang isang sachet ng Shabu.

Kinumpiska rin sa mga suspek ang isang tricycle na umano’y ginagamit sa iligal na transaksyon.

Samantala, naka-takda namang dalhin sa PNP Crime Laboratory ang nakumpiskang droga sa mga suspek habang inihahanda na ang kaukulang kasong isasampa laban sa dalawa. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.