Mag-utol na Nanaksak ng Kainuman, Pinaghahanap

PINAGHAHANAP NG mga awtoridad ang isang high school student at kuya nito matapos mapatay sa saksak ang kainuman sa Fatima St., Doña Carmen, Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Ayon sa imbestigador na si PO2 Julius Valbuena ng QC Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), matapos ang ginawang pananaksak ay mabilis na tumakas ang 14-anyos na suspek na isang high school student ng Commonwealth High School at ang 21-anyos nitong kuya.

Dead on arrival naman sa Fairview General Hospital ang biktimang si Jeffrey Bunyao, 19-anyos.

Base sa pagsisiyasat, matagal nang may alitan ang nakababatang suspek at ang nasawing biktima.

Inaya umano ang dalawa ng kanilang mga kaibigan na mag-inuman para ayusin ang problema ng dalawa.

Habang nag-iinuman dumating ang nakatatandang kapatid ng suspek na si Randy Supat at nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa mauwi sa suntukan.

Matapos ito ay umalis na ang magkapatid ngunit makalipas ang ilang sandali bumalik kaagad ang mga ito dala ang patalim at agad na sinaksak sa dibdib ang biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.