Mag-utol na Bebot, Kulong sa Bato

SWAK SA kulungan ang magkapatid na bebot matapos mahulihan ng Shabu sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang mga suspek na sina Pamela Villasana, 33; at ka-patid na si Vanessa, 27, kapwa ng Hustisya St., Marulas ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng ma-daling-araw, nagsasagawa ng operasyon ang mga pulis sa nasabing lugar laban sa pusher na nakilala lang sa alyas Madam.

Napansin ng mga pulis ang tila balisang mag-utol na naging dahilan upang lapitan hanggang sa makuhanan ng dalawang sachet ng Shabu na nagkakahalaga ng P1,500.

Agad na dinala ang magkapatid sa presinto at sinampahan ng kasong Illegal Possession of Prohibited Drugs.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.