Mag-utol, Kritikal sa 5

KRITIKAL ANG isang mag-utol matapos pagtulungang bugbugin at saksakin ng limang lalaki habang ang mga una ay papalabas sa videoke bar sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Kapwa ginagamot sa East Avenue Medical Center sanhi ng saksak at bugbog sa katawan sina Judito at Adrian Peniones, kapwa nasa hustong gulang ng Phase 4, Bagong Silang ng lungsod.

Nadakip naman sina Jerrick Yalong, Michael Salabig, Mark Bryan Mamporte, Vener Rabano, at John Ryan Ablaza, mga nasa hustong gulang, at pawang naninirahan sa Dalandan St., Camarin ng lungsod.

Sa ulat, alas-3:30 ng umaga, papalabas na ng Pacman’s videoke bar sa Almar Road, Camarin ang mga biktima nang harangin ng mga suspek at pagbubugbugin.

Binigyan pa ng saksak ang mga biktima na naging dahilan upang dalhin sa EAMC habang nadakip naman ang mga suspek ng mga nagrespondeng mga pulis.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo ng nasabing insidente.             (MARY SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.