Mag-utol, huli sa dinamita

SWAK SA KULUNGAN ang magka-patid matapos mahuli ang mga itong nanghuhuli ng isda sa karagatan ng Navotas gamit ang improvised dynamite fishing kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Navotas police ang magkapatid na suspek na Remy Lacaba, 31, binata, at Ariel, 26, binata, kapwa ng Pitong Gatang St., Brgy. Sipac Almacen, Navotas City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi nang mahuli sa aktong naghahagis ng improvised dynamite ang mga suspek sa baybayin ng M. Naval ng lungsod.

Ayon sa saksing si Ariel de Leon, 44, may-asawa, kasalukuyan nasa laot ito lulan ng kanyang fishing boat nang mapansin ang mga suspek na sakay rin ng fishing boat na may pangalan ang makinang Straton engine na hindi rehistrado.

Dito nakita niya ang mga suspek na aktong naghagis ng dinamita sa dagat na siyang ginagamit sa pang-huhuli ng isda.

Dahilan upang ipagbigay-alam nito sa awtoridad ang nasabing insidente na nagresulta sa pagkakada-kip sa magkapatid na suspek.

Narekober mula sa mga ito ang 5 kilo ng iba’t ibang klase ng putok na isda, aircon pressure, improvised flipper pod, 2 lambat na maliliit ang butas, 1 goggled, 1 bote ng beer na naglalaman ng ammonium at iba pang gamit sa paggawa ng dinamita.

Nakahanda na ring sampahan ng kaukulang kaso sa piskalya ng Malabon-Navotas ang magkapatid na Lacaba.         (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.