Mag-utol, Buking sa Pagpupuslit ng Antigong Kahoy

HINDI NAKALUSOT sa mga operatiba ng Task Force Sagip Kalikasan na nakabase sa Brgy. San Juan, Ma. Aurora, Aurora ang modus operandi ng magkapatid sa pagpupuslit ng mga kahoy nang mabuking ang mga ito.

Sa ulat ng Baler Community and Environment and Natural Resources Office na si Raul Batang, isa diumanong impormasyon ang ipinarating sa task force na may mga kahoy at furnitures na lulan ng isang trak na kulay pula at may plakang XEK 646 ang ilalabas ng lalawigan na nakapailalim sa mga basurang plastik.

Ang naturang impormasyon ay nagresulta upang mahuli ng mga awtoridad ang magkapatid na sina Remigio at Charlie Sacro na kapwa residente ng Brgy. 4, Ma. Aurora dahil sa pagtatago ng iba’t ibang sukat ng kahoy at mga furnitures nang walang kaukulang dokumento.

Nakumpiska sa mag-utol ang 51 pirasong yakal na gagawing hamba, 1 pinto, 1 kama at 4 na upuan na walang mga kaukulang dokumento sakay ng naturang sasakyan at nakapailalim sa mga basurang plastik bilang front ng magkapatid.

Kaugnay nito, detenido na ang mga suspek sa Baler Municipal Jail sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Forestry Code of the Philippines.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.