Mag-utol, Binugbog ng Mag-ama

PASA AT bukol sa katawan ang inabot ng mag-utol matapos bugbugin ng mag-ama na na-cut ng mga una habang sakay ng mga motorsiklo sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Pasa at bukol ang inabot nina Prince Derick Cunanan, 16; at kuyang si King Brianne, 17, kapwa ng Gitna St., Bignay, Valenzuela City.

Dinala naman sa presinto sina Hernando Olegario, 44 at anak na si Carlo, 18 kapwa ng Tierra Nova, Bagumbong, Caloocan City.

Batay sa ulat, alas-7:05 ng umaga, magkaangkas sa mga motorsiklo ang mag-ama at mag-utol habang bi-

nabagtas ang Main Road ng Bagumbong nang ma-cut ng mga huli ang mga una.

Nagalit si Hernando at hinabol ang mag-utol at nang maabutan ay sinita sabay sinapak si Prince Derick.

Nakitulong na rin sa pambubugbog si Carlo at nang awatin ni King Brianne ay inumpog naman ito ni Hernando sa nakaparadang dyip.

Naawat lang ang mag-ama nang respondehan ng mga barangay tanod bago dinala sa presinto at kapwa sinampahan ng kasong physical injury.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.