Mag-tropa, Huli sa Aktong Nagdu-doobie

WALANG IWANAN hanggang sa loob ng selda ang dalawang magkaibigan matapos silang mahuli sa aktong humihithit ng Marijuana sa Caloocan City kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ng Caloocan City Police ang magkaibigang nahuli na nagdu-doobie sina Francis Mostrales, 21 anyos, ng Block 36 Lot 32, Barangay 12 ng nasabing lungsod; at si Jerico Villa, 21 anyos, ng Phase III ng parehong lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-2:30 ng madaling-araw habang ginagampanan nina B/T Ricardo tumalad Jr. at ng kanyang mga kasamang tanod ng Barangay 12 ang kanilang tungkulin at nagroronda nang makaamoy sila ng usok ng Marijuana. Agad nila itong tinunton at pagdating nila sa kahabaan ng Block 33 ng nasabing lugar ay nakita nila ang dalawang suspek sa aktong humihithit ng Marijuana.

Kaagad na imbitahan sina Mostrales at Villa sa kanilang himpilan na hindi naman pumalag at sumama nang matiwasay sa mga alagad ng batas. Nakita sa mga suspek ang isang improvised pipe na yari sa cigarette foil na may kasamang pinatuyong dahon na hinihinalang Marijuana at ilan pang tuyong marijuana na hindi pa nagagamit.

Matapos na dumaan sa laboratory examination ang mga tuyong dahon ay napatunayang Marijuana nga ang mga ito. Gayundin ay nagpositibo ang dalawa sa isinagawa sa kanilang drug test.

Pinatawan ni Asst. City Prosecutor Diosdado S. Azarcon ng Caloocan City RTC ng kasong paglabag sa RA 9165 o  Used of Dangerous Drugs at Possesion of Drug Paraphernalia na mayroong piyansang P40,000 ang bawat isang suspek at kasalukuyang nakapiit sa Jail Management System ng Caloocan City Police Station.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.