Mag-tiyuhing tulak ng Shabu, tiklo

ARESTADO ANG MAG-TIYUHIN matapos na mahulihan ng Shabu sa isinagawang drug-raid ng Provincial Intelligence Branch Operative (PIBO) sa kalagitnaan ng pananalasa ng bagyong Ramon sa loob ng kanilang inuupahang bahay sa Brgy. Pook, Kalibo, Aklan.

Hinuli ang mga suspek na sina Rodolfo Lopez alyas Papang, 62, at Michael Lopez, 34, na parehong residente ng Silay City, Negros Occidental ngunit pansamantalang naninirahan sa nasabing lugar.

Ang operasyon ay sa pamamagitan ng bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Marietta Homena-Valencia ng Regional Trial Court (RTC).

Ito ay kasunod ng halos ilang buwang surveillance sa naturang mga suspek matapos makakuha ng impormasyon ang mga kinauukulan na nagbebenta ang mga ito ng shabu.

Narekober sa mag-tiyuhin ang dalawang sachet ng shabu na hindi pa alam ang timbang gayundin ang ilang drug paraphernalias at P500 na cash.

Nakatakda naman na sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawa. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.