Mag-titang Sharon Cuneta at Helen Gamboa, lumalala ang alitan dahil sa pulitika?!

NAKIBALITA NA lang ako sa mga bading na matagumpay naman daw ang nakaraang Star Awards for Movies na ginanap sa Meralco Theater nu’ng kamakalawa ng gabi.

Siyempre waging-wagi ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ni Gov. Er Ejercito na siyang nakakuha ng maraming awards.

Nakamit na rin ni Gov. ER ang inaasam-asam niyang Best Actor trophy sa pelikulang ‘yun, pero naka-tie nga lang niya si Aga Muhlach.

Matagal na kasing pinag-uusapang wagi na raw talaga si Gov. ER sa Star Awards at pati nga si Angel Locsin ay matagal ko na ring narinig ‘yan.

‘Yun na nga ang winners, ‘di ba?

Bukod sa nag-tie ang Best Actor, tie din sa Best Supporting Actor sina Baron Geisler at Jake Cuenca.

Naku, huh! Sino kaya sa kanila ang kailangang pagbigyan?

Anyway, congratulations na rin sa mga winners.

Sunud-sunod na ‘yang mga awards night na ‘yan.

Meron na ring winners ang Young Critics Circle at wagi nga riyan bilang Best Performance si Diana Zubiri.

Kagabi naman yata ang Gawad Tanglaw, at sa susunod na linggo naman ang Golden Screen Awards ng EnPress.

Pagkatapos niyan, ang Urian naman at ewan ko kung merong Famas at Luna Awards.

Abangan na lang natin kung sino naman ang mga winners nila.

SANDALING NAKAUSAP ng Startalk crew namin ang isa sa mga hosts ng Star Awards for Movies na si KC Concepcion tungkol sa hidwaan ng lola niyang si Helen Gamboa at ng Mommy niyang si Sharon Cuneta.

Naging open na kasi ang dalawa sa kanilang gap dahil sa pulitika.

Pero ayaw namang magkomento ni KC dahil hindi naman daw niya alam ang tungkol diyan.

Hindi rin daw niya alam kung saan ito nanggaling, kaya “no comment” na lang daw siya.

Mukhang lalala pa kasi itong isyu nina Helen at Sharon dahil pareho silang nagsalita na.

 

HINDI NAMAN pala nakasipot sina Jose Manalo at ang asawa niyang si Annalyn sa preliminary hearing ng kasong Rep. Act 9262 na isinampa laban kay Jose.

Alam ko, hindi talaga darating si Jose, pero itong si Annalyn daw ay tumaas daw ang blood pressure niya kaya hindi ito nakara-ting.

Ang abogado lang nila ang dumating doon sa San Juan Pro-secutor’s Office nu’ng Miyerkules ng umaga na wala naman daw nangyari kasi pina-reset daw ito ng abogado ni Jose.

Dapat pala ay magsa-submit na si Jose ng kanyang counter-affidavit sa complaint ni Annalyn, pero pina-move nga raw nila ito ng March 26.

Sinabi naman ng abogado ni Annalyn na pinag-iisipan din daw nitong magsampa ng panibagong kaso laban kay Jose.

Bigamy raw ang isasampa nila dahil nga raw sa pakiki-pagrelasyon nito sa ibang babae.

Pero itinatanggi ito ni Jose at magsasalita naman daw siya tungkol dito sa tamang panahon.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

22 thoughts on “Mag-titang Sharon Cuneta at Helen Gamboa, lumalala ang alitan dahil sa pulitika?!

  1. Hindi lang marunong magparaya si Sharon, Masyadong Mataas and pride. Auntie pa rin niya si Ms. Helen and mas matanda yon sa kanya. If she is still has that Filipino Traits, then no one is stopping her from reconciling with her aunt. Masyado na lang kasi matayog si Sharon, tama pa rin auntie niya and ang victim dito si Tito Sen.

    Sana Magbago si sharon before its too late. She should stop from talking nonsense.

  2. wala ng naniniwala sa mga politiko puros sat sat na lang ang alam nila– Oy kumusta na ba ang palabas na moro moro sa impechment trial in Corona paki update na lang ha?

  3. Sige, mga POLITICIANS ATUPAGIN NYO ANG BAYAD UTANG …WALANG MATINO SA INYO…DAPAT SA INYO I-IMPEACH LAHAT!!!

  4. i’m disappointed with sharon,  tita pa rin niya si  helen g. dapat siya ang mapagkumbaba., ba’t parang madaming kaaway si sharon dis days. may gap din siya kay regine/ogie di ba?

  5. naisulat sa ni ricky lo sa column nya sa philippine star na nasabi ni helen patungkol kay sharon na porket yumaman na si sharon, unreachable na daw sya at may ere na PERO nasbi nman ni helen na kahit ganun mahal pa rin nya si sharon dahil pamangkin nya sya at si helen na ang nagpalaki sa kanya mula pa nung bata pa sya. .. ayon sa ulat ni lo, nung 2004, tumakbo muli si tito sotto ng pagkasenador at nung panahong yun, hindi tumulong sina sharon at kiko dahil nasa ibang partido sila, yun nga natalo si sotto, and then nung 2010 tumakbo uli si sotto at nanalo sya pero wala pa ring tulong sina cuneta dahil ibang partido nga. and then lumapit sina sharon kina sotto para humingi ng boto para kay kiko na iboto sya bilang senate president ngunit hindi magagawa ni sotto dahil nakacommit na sya sa mga tumulong sa kanya sa kampanya noong 2010 na lumaban at nanalo syang senator, so dun nagkaroon ng gap sina cuneta at pamilya sotto at ayon sa report ni lo, 2010 pa lang daw nung last sila nag imikan, sabi naman ni helen, ayun, nasabi ni helen na dahil doon, unreachable at yumabang na si cuneta dahil yumaman at nagkaroon ng pangalan. ….. PWEDE NA BA AKONG MAGING REPORTER?? HAAHHAHAHAHAHAHAAH

  6. Mag tita ba sila akala ko maglola, si Sharon ang lola. Eh halos parang magka-edad lang sila sa hitsura. Si Sharon mukhang matanda nang nagmenopause lahat ng tao inaaway. Di nagpapalampas.

  7. wala na ang baboy shawi na yan laos na..baka mas madami pa amnuod sa show ni amy perez na face to face kesa sa sahoron..hahaha tiyak di lalaban sa ratings yan..panget na ng host panget pa ang stasyon..wala na….hahaha

  8. NAG IINGAY LANG YANG SHARON NA YAN PARA PAG USAPAN, BUHAT KASI NALUMIPAT SA SINGKO ANG TABA NA YAN WALA NG INGAY ANG KANYANG CAREER. ANONG NANGYARI SA CONCERT NYA LATELY SA ARANETA? DI BA MAS MARAMI PANG NANOOD KAY ANNE CURTIS???? HAHAHAHAHA MALAPIT NG LUMAGAPAK CAREER MO SHARON, SOBRA KASI KAARTEHAN MO!!!!EWAN KO LANG KUNG TUMAGAL SHOWS MO SA SINGKO, HEHEHEHEHEHE.

  9. Between Senator Kiko and Tito Sotto, mas bilib at pabor ako kay Senator Kiko, kesa dyan sa Tito Sotto na yan na produkto ng Eat Bulaga kaya nanalo. Walang kredibilidad at puro pacute lng ginagawa sa Senado. Ayaw ko kay Sharon pero gusto ko si Kiko.

  10. Sa totoo lang si Sotto ang may kaduda-dudang katauhan. Maala-ala pa ba niyo na na nahuli sa airport si Helen na may mga dalang napakaraming dollar papunta sa states. Palibhasa senador nawala na lang sukat ang storya na ito. Noong kabataan nina tito-vic&joey natandaan pa ninyo na nagpakamatay si pepsi paloma dahil sa report na na-rape ito ng kung sino man sa tvj. Kaya huwag sana magmalinis itong si titosen kasi mabaho ang pinagdaaanan niya.

  11. Sharon, magbuhat nang napangasawa mo si Mr. Simangot, na wala namang nagawa sa senado, ikaw ay masyadong yumabang, mataas nang magsalita, i am sure napansin din iyan ng iyong tita Helen na ang tawag mo ay Ma.
    Tama si Helen, sobrang tayog muna, inaannounce pa ang mga properties na investments niya, yabang.

  12. sana hindi nila to pnalabas sa public its a family matter.ayusin nila ang issue na to over dinner like non celeb people kung may problema pag usapan sa mahinahon at maayos na paraan,wag sila magbatuhan ng mga salita na hindi pinag isipan.

  13. reallyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy poro magnanakaw nman ang mga asawa ng dalawang gurang na ito eh ang liit  ng suweldo 40,000 pero maraming nananakaw dahil malaki nman pork barrel 250,000000

  14. Nagbago na rin si Shawi o kaya gumagawa lang si Shawi ng story para pagusapan siya dahil wala ng balita sa kanya. Malapit na kasi iyon pag host niya sa TV5 para mag rate. kasi laos na siya sana naman huag siyang tawa ng tawa kahit hindi nakakatawa, nahahalata tuloy trying hard.

  15. Mataray na Sharon,lumipat sa TV5 because of money sino ba ang aayaw sa pera,pera yan.I wonder if her shows/teleserye will rate in TV5, ,at the end of the day Sharon,Tita mo pa rin si Helen.but Helen may ganyan talagang mga pamangkin,,makakalimutan nila lahat ang mga sacrifices support na ibinigay ng Tita,like Sharon so moved on ka na lang Helen,be civil na lang,God will love you more Helen…Sharon,Lea and Charice are all the same character,mayayabang yun na opinion ko lang yan

  16. Nagsalita lang si Sharon after magsalita si Mrs. Helen Sotto. Mrs. Sotto was known for being prim and proper, should act her age and I was surprised to read what she had mentioned about Sharon. I feel it’s too unfair for her niece para sabihan ni Mrs. Sotto na porket mayaman na eh nagbabago na. Crystal clear and reason because both of their husbands ay may alitan in the political aspect. Syang ang magandang pagtitinginan ng magtyahin. Maiipit ang mga anak nila rito for sure.

Leave a Reply

Your email address will not be published.