Mag-Live-In, Timbog sa Pagtutulak ng Shabu

HINDI NAGAWANG makatakas ng mag-live -in partner nang mahuli sa akto ng mga awtoridad habang nag-aabutan ng ipinagbabawal na droga sa comfort room ng isang gasolinahan sa Brgy. Saog, Marilao, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Gerry Andaya kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na supek na sina Heniedina Corpuz, 29; at Raddie Delos Reyes, 46, kapwa residente ng Brgy. Arkong Bato, Valenzuela City.

Base sa inisyal na im-

bestigasyon nina PO1 Olarte, PO1 Mae Bawit at PO2 Tongol, dakong alas- 4:30 ng hapon nang maaktuhan ang dalawa, habang nakikipagtransaksyon sa pagbebenta ng droga.

Nabatid na matagal nang sinusubaybayan ng mga pulis ang pagtutulak ng mga suspek na dumayo pa mula sa lungsod ng Valenzuela at karatig lungsod.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang hindi mabatid na gramo ng Shabu. Samantala detenido ngayon ang dalawa sa Marilao Municipal Jail habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila.

(TONY DELA PEÑA)     

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.