Mag-Live-In, Timbog sa Pagbabagsak ng Bato

KULONG ANG isang mag-live-in matapos mahulihan ng bato o Shabu ng mga tauhan ng Philippine Drugs Enforcement Agency sa isinagawang operation sa Valenzuela City kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang mga suspek na sina Alvin Banalnal, 24; at Cora Sigalit kapwa ng A. Mabini St., San Roque, Marikina City.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng PDEA na ang mga suspek ang nagbabagsak ng Shabu sa Ugong, Valenzuela City.

Nagsagawa ng operation ang mga tauhan ng PDEA sa La Mesa St., Ugong ng lungsod at alas-10:30 ng umaga ay naispatan ang mga suspek na naging dahilan upang lapitan at kapkapan.

Nakuhanan ng apat na sachet na aabot sa 7.22 gramo ng Shabu ang mga suspek na naging dahilan upang dakpin ng mga tauhan ng PDEA.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.