Mag-live in na Tulak, Timbog sa Buy Bust

HULI SA aktong nagbebenta ng iligal na droga ang mag-live in partner sa isang buy bust operation sa Brgy. Makinabang, Baliuag, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Rizalino Andaya kay Senior Supt. Fernando H. Mendez, Jr., Bulacan Police director, kinilala ang mga nahuling suspek na sina Edna Sampoang, 43 anyos, walang trabaho; at Randy Mauricio, 28, may-asawa, pawang mga residente sa nabanggit na barangay.

Base sa inisyal na im-

bestigasyon ng mga awtoridad dakong alas-7 ng gabi nang maaresto ang mga suspek matapos makatanggap ng tip ang pulisya tungkol sa garapalang bentahan ng droga sa lugar.

Nakumpiska kay Sampuang ang 15 transparent plastic sachet na naglalaman ng Methamphetamine Hydrochloride o Shabu na nagkakahalaga ng P10,000.

Nakuha naman sa kinakasama nito na si Dave ang isang plastic sachet na may laman ding Shabu, isang balisong at mga drug paraphernalia.

Nasamsam din sa mag-live in partner ang isang surveillance device sa labas ng kanilang bahay para ma-monitor ang pumapasok at dumadaan sa harap nito at para matunugan din kung may mga pulis na umiikot sa kanila.

Kabilang dito ang 19” LCD TV, closed circuit camera, remote control jack connector, camera selector, edifier column selector at mga cable wire.

Kasaluluyang nasa kustodiya ng Baliuag Police ang mag-live in partner habang inihahanda ang mga kasong kahaharapin ng mga ito.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.