Mag-Live-In, Dakma sa Droga

SWAK SA kulungan ang isang mag-live-in na sinasabing nagtutulak ng ipinagbabawal na droga kamakalawa ng tanghali sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan City Police Chief Sr. Supt. Bernard Tambaoan, ang suspek na live-in partners na sina Nasario Tolentino, 63, dating barangay official ang kinakasama ito na si Rowena Bartolome, parehong residente ng # 49 Bisig ng Nayon, Barangay 4, ng nabanggit na lungsod.

Ang mga suspek ay iniharap kay Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, na nasa lugar kung saan naganap ang pag-aresto.

Ayon kay Tambaoan, ang dalawang nasabing suspek ay inaresto sa pamamagitan ng search warrant na inisyu ni Regional Trial Court Branch 131 Judge Ma. Theresa de Guzman.

Habang inaaresto ang mga suspek ay nakum-piska sa mga ito ang dalawang home-made na .38 caliver revolver (paltik), ilang sachets na naglalaman ng white crystalline substances na pinaniniwalaang Shabu na may timabang na mahigit sa 10 gramo.

Kakasuhan ang dalawang suspek ng Illegal Possession of Firearms at Possession of Illegal Drugs sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.