Mag-Kuya, Nag-Duwelo sa Tagayan; 1 patay

HUMANTONG SA KAMATAYAN ang duwelo ng magkuya sa Koronadal City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame kinilala ang nasawi na si Randy Maimbang, 26-anyos, makaraang saksakin sa likod at dibdib ng kanyang kuya na si Jimmy, 46 anyos.

Arestado naman ang suspek makaraang ang ilang oras na pagtatago.

Bago ang pananaksak, sabay na nagtungo sa isang okasyon ang magkapatid at masaya pang nag-inuman ang mga ito.

Subalit nang malasing umano ang dalawa ay inalala ‘yung mga bata pa sila at ang masayang kuwentuhan ay nauwi sa pagkapikon ng kuya na humantong sa duwelo.

Dahil alipin ng alak, ilang beses na pinagsasaksak ng matandang Maimbang ang biktima hanggang malugmok ito sa sariling dugo.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.