Mag-ingat kay hepe!

0928-271xxxx – Good day, Sir Raffy! Ask ko lang po kung tama bang gawin ng isang hepe na kausapin ng ‘di kanais-nais na sa-lita gaya ng gawing girlfriend ang isang 20 yrs. old na babae at sinasarado pa ang pinto kapag kausap sa kuwarto? Natatakot po kasi iyong babae dahil nakakulong ang kanyang ina na nasa headquarters at baka kung anong gawin sa kanyang ina sa loob ng selda. Halata namang may gusto ang hepe sa dalaga at marami nang nag-aadvise na kabarong pulis ng hepe na ‘wag makipag-usap sa loob ng kuwarto nang mag-isa.

 

0946-416xxxx – Sir Raffy, baka naman po puwede ninyo kaming bigyan ng idea kung ano’ng dapat gawin naming mag-asawa. Noong Tuesday po kasi, pinalo ng teacher ang anak kong 6 yrs. old (Grade I) sa ulo ng notebook at pinalo niya rin sa braso ng 3 beses. Kinabukasan, nagharap po kami sa guidance at inamin naman po niya na pinalo niya ang bata dahil hindi raw umano nagsusulat. Dati na po siyang napapalo sa kamay, pero pinalalagpas ko lang. Pinagagalitan ko pa nga ang anak ko, pero nitong Martes, sobra na! Bukod sa pananakit, may verbal abuse pang sinasabi sa anak namin. Sana po ay maaksyunan na maparusahan ang teacher na iyon dahil hanggang ngayon, walang ginagawang discpilinary action ang principal, at until now nagtuturo pa rin siya.

 

0922-854xxxx – Boss Raffy, noong Friday po, iyong mga taga-Makati na dati na ninyong inere na mga nag-i-smoke test sa may Magallanes ay nakotongan ako ng P500. 2 yrs. pa lang ang sasakyan naming Crosswind, bagsak na sa kanila. Talaga pong kotong lang ang habol nila. Hanapbuhay na nila ‘yun kaya dapat ma-entrap sila para makulong ang mga ‘yan.

 

0919-236xxxx – Idol Raffy, good day po! Isa po akong driver ng Herlet Joy taxi. Nais ko po sanang ireklamo ang pulis Cainta, Rizal na humuli sa akin. Ang kanyang style ay manghuhuli siya ng mga taxi tapos pasusundin niya sa presinto. Ang kanyang modus para marami siyang mahuli ay may kasabwat siyang papara kunwari tapos hindi naman sasakay. Ang pangalan ng pulis ay si PO1 Carlo A. Latoza. Diyan siya nakapuwesto sa Felix Ave., kanto ng Village East. Nahuli po ako noong Oct. 25, 4:00pm. Salamat po.

 

0947-179xxxx – Magandang araw po, Sir! Isa po akong concerned citizen. May ireklamo po ako na pulis dito sa Barangay Merville, Parañaque City na sobrang abusado sa kanyang tungkulin. Nag-iimbestiga nang hindi naka-uniform at ‘pag nagkamali ka ng sagot sa kanya, yari ka! Nanghuhuli rin ng sabong sa tupada nang hindi naka-uniform at ‘pag nahuli ka, lahat ng pera kukunin sa iyo, kasi huhubaran ka ‘pag makuha na. Meron pang tubos sa iyo na P1,000 pataas. Kinuha na nga ang pera mo, may tubos pa!

 

0909-533xxxx – Idol, good day po! Isumbong ko lang po na mahigit 1 year na pong walang suweldo ang mga empleyado ng Barangay Pinagsama, Taguig City. Ang balita po, hindi raw binibigay ng city hall ang budget ng barangay. Baka po puwedeng paki on-air ninyo naman po ang problemang ito at kausapin ninyo at hingan ng paliwanag ang city mayor para maliwanagan naman po kami kung sino talaga ang umiipit ng budget. Salamat po!

 

ANG INYONG lingkod ay napakikinggan sa programang WANTED SA RADYO sa 92.3FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00pm. Ito’y kasabay na mapapanood sa AksyonTV Channel 41. Para sa inyong sumbong o reklamo, mag-text sa 0917-7WANTED.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.