Mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde, wagi sa Star Awards for TV!

PSSST! POLITIKA, Showbiz, Scandal, Swarding, Tsika na naman tayo! Umpisahan na ang mga tsismak to the maximum auhtority of Tsika ni Tita Swarding, hala bira!

Nakakatuwa naman kasi ang mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde, sabay ang su-werteng dumating sa kanila. Kasi parehas silang wagi sa nakaraang PMPC Star Awards for TV.

Unahin muna natin itong si Arjo. Nu’ng hindi pa napipili, malakas na talaga ang kutob ko na isa ito sa mananalo sa catergory na Best New Male TV Personality. Pero ayon kay Arjo, hindi talaga niya ini-expect na siya ang mananalo, kasi ang higpit ng kanyang mga kalaban. Basta ang sabi niya, ginawa niya ang best niya rito sa ibinigay na role sa kanya sa ‘Bangka’ episode ng MMK.

“Kaya nu’ng tinawag na ang nominees, hindi ako kinabahan at all, kasi blangko lang, wala lang. I thought it was Khalil Ramos or Slater Young, sila kasi ang patok sa masa. Pero nu’ng tinawag ako, doon ako kinabahan. Kasi, ‘Ay okey! Ako pala ang nanalo.”

Ayon kay Arjo, “To be honest, mas kilala sila as of now, kaya for me ‘yung feeling na… wala eh, I don’t expect anything, at basta ‘yung sa akin lang, nagawa ko ‘yung best ko as an actor.”

Wala rin siyang hinandang speech. “I just said thank you na lang po sa mga taong sumusuporta sa akin mula umpisa lalo na ang mother ko, si Sylvia Sanchez.”

Sa katunayan, nauna pang sumigaw si Sylvia nu’ng tinawag ang pangalan ni Arjo sa pagkapanalo niya bilang best new male Tv personality.

Congrautlations kay Sylvia Sanchez sa pagkapanalo niya sa 26th PMPC Star Awards for TV last Nov. 18 as Best Actress in a Single Performance sa ‘Aswang’ episode ng MMK.

Naalala ko nung tawagan ako ng kaibigan kong si Roel Villacorta at iniimbita raw ako ni Sylvia Sanchez para maka-panayam ko si Arjo. Sad to say, kasi pagdating ko, wala na si Arjo, kasama raw si John Lloyd Cruz sa premiere night ng pelikula ni John Lloyd. Kasi parehas yata sila ng manager at si John Lloyd ang hinahangaan niyang actor. Kaya ang nakausap ko, ang mabait at kababayan kong Bibolnon, si Sylvia Sanchez.

Doon pa lang, sinabi ko na malaki ang chance ni Arjo sa nalalapit na PMPC Star Awards for TV at nagdi-lang-angel nga ako. Ayon wagi nga.

Kaya sa mag-inang Sylvia at Arjo, my best congratulations to both of you! You deserve the titles. God is good all the time.

 

ISANG TULOG na lang seniora na ako, turning 60 na po ako. nakakatuwa naman kasi hindi ko sukat akalain, nasorpresa ako kay Sen. Antonio Trillanes IV. Kasi hindi ko naman siya kilala personally, pero alam mo ba na isa siya sa nagpasaya sa aking kaarawan, maliban sa GL na binibigay niya sa akin ‘pag nawawalan ako ng maintenance na gamot ko. At kay Cong. Imelda Papin, higit sa lahat kay Gov. Vilma Santos, maraming salamat po sa inyong lahat na nakaalala ng aking birthday.

Binati rin ako ng hinahangaan kong singer na si Gerald Santos, ang gumanap na San Pedro Calungsod last Nov. 17 na may repeat sa Nov. 29 sa Peta Theater 6pm. Kitakits!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.