Mag-inang Nora Aunor at Lotlot de Leon, nagkaayos na! – Mell Navarro

NAGBUBUNYI ANG MGA Noranians o loyal fans of Ms. Nora Aunor dahil all is well na sa pagitan ng superstar at ng anak nitong si Lotlot de Leon who’s back in town after ilang months na pamamalagi sa USA, for tipong “soul searching,” may mga inayos na personal na bagay, kasama ang pakikipag-meet sa biological father.

Taong 2003 pa unang nagkaroon ng communication si Lotlot sa tunay nitong ama, at mula noo’y thru phone and internet lang sila nagkakausap. Ngayon, tipong ganap o buo na ang pagkatao ni Balotski nang ma-meet personally ang biological dad.

As for Mama Guy, wala nang sumbatan o sisihan sa mga tampuhan nila in the past. Nang tinawagan daw ni Balot si Nora at tinawag siyang “Anak!” at banalikan niya ito ng “Ma!” ay okey na. ‘Yun lang mga katagang ‘yun ay sapat na upang mag-heal ang anumang sugat sa puso ng mag-ina.

“That’s what family is all about, regardless kung may tampuhan, masaya in good times and bad times. Family is family. I love all four of my parents. I have two moms and two dads. I love them unconditionally,” chika ni Balot.

Nakapag-bonding rin sina Nora at Lotlot nu’ng Christmas at ipinagluluto pa raw siya nito ng breakfast.

“Lots of kuwento… Masaya, very simple. She’s living a very simple life, a happy life, and a healthy life in the U.S. But she will and she wants to come home soon… that, we all look forward to. Wala namang perpektong tao. Lahat naman tayo nagkakamali.”

BIG TIME PA ring masasabi ang nakaraang MMFF 2009 dahil big stars naman ang mga nagbida like Sharon Cuneta, Dolphy, Bong Revilla, Vic Sotto, Gabby Concepcion and Angelica Panganiban. Iba pa rin ‘pag may megastar dahil makikita mo ang “bigness” ng ginastusang Mano Po 6 ng Regal Entertainment, na nagbigay rin ng Best Director award for Joel Lamangan.

As for Sharon na nasungkit ang Best Actress award for Mano Po 6, say nito: “Ninenerbyos ako lalo na ‘yung last minute (before announcing the winner). I always say that it’s always an honor to get nominated constantly, although not yearly, pero ‘yung often enough so that your consistency is established.”

Isang big revelation ang pag-amin ni Sharon na mag-aampon na siya ng isang baby boy na pinangalanan nilang Baby Miguel. “I don’t know if I’ll get pregnant again or even if I do, if I (could) still can carry the baby throughout the nine months, so we`ll have a baby boy and inaayos namin ‘yung papers niya.”

Hindi lang nito feel i-reveal ang details ng pag-aayos ng adoption papers to protect the baby. As in kahit anong picture niya ay ipinagbabawal ni Sharon ipakita sa media.

“Anak, Miguel, when you grow up and see this, the only reason I’m not showing your picture and I’m not bragging to anyone how proud I am to be your mama because I’m protecting you. But when everything is fixed, I want you to know that you weren’t born of my tummy but of mama’s heart. I love you very much, you are my son.”

Akalain mong nag-ampon pala ang megastar ng baby boy? Dahil nga siguro puro girls ang supling nito.

HINDI PAPADAIG SA aktingan si Angelica Panganiban sa I Love You Goodbye dahil kahit “Luz Valdez” (lost) siya sa MMFF Awards. Maraming film critics ang pumuri sa kanya, at nagsabing hindi lang daw pang-MMFF ang laban, kundi sa iba pang award giving bodies this year.

It’s really Angelica’s time to shine dahil bidang-bida siya sa Rubi, new soap from ABS-CBN with Jake Cuenca.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

One thought on “Mag-inang Nora Aunor at Lotlot de Leon, nagkaayos na! – Mell Navarro

Leave a Reply

Your email address will not be published.