Mag-inang Beth at Angelica Jones, todo-deny sa bantang pagdedemanda

 

DINI-DENY NA NGAYON ng mag-inang Beth at Angelica Jones ang napabalitang idedemanda raw ako dahil sa sinulat kong kumikita sila sa pagbebenta ng tuko.

Itinatanggi nila ito pero sinasabi naman ito ng mga dati nilang tauhan na umalma dahil sa hindi sila nasusuwelduhan.

Pumayag naman ang mag-ina na mag-guest sa amin sa Startalk para magkaharap na kami. Pero nilinaw nilang hindi raw sila galit sa akin, at wala raw silang balak na magdemanda.

Ang sabi ni Angelica, baka raw gawa-gawa lang ‘yun ng mga kalaban niya sa pulitika.

Eh, ewan ko na lang! Sa akin naman okay lang magharap kami. Kung wala nga silang balak na idemanda ako dahil sa nasulat sa isang column ko, eh ‘di wala. Tapos na ang isyu!

Diyos ko naman! Wala na akong panahong pagpapatulan pa ‘to, ‘no!

Abangan n’yo na lang sa Startalk sa Sabado ang paghaharap namin. I’m sure bonggang-bongga na naman ang moment ng mag-ina.

 

NAGULAT NA LANG ako, pitong buwan buntis na pala si Glydel Mercado!

Parang kailan lang nu’ng sinabi nila sa akin na buntis na uli si Glydel, ngayon malapit na palang ma-nganak.

Naikuwento nga sa akin na baby girl pala ang ipinagbubuntis ni Glydel at bale pangalawang baby girl na nila ito.

‘Yung panganay nila, si Aneeza. Nga-yon ang pangalawa nila, Aneeka naman daw ang ipapangalan. Parang okay na raw muna sa kanila ang dalawang anak dahil ayaw naman ni Tonton ng marami talaga sila.

Sa totoo lang, kung marami pa sila, hindi na sila magkakasya sa townhouse nila. Matagal ko nang kinukumbinsi si Tonton na mag-loan na para sa house and lot, pero ayaw niya talaga. Ayaw raw niyang may utang na hinahabol bayaran at ayaw raw niyang ma-stress.

Sabi ba naman sa akin, sa edad daw niyang ‘yun, mabuti na ‘yung hindi ka pressured at walang iniintinding utang, at baka ‘yun pa raw ang dahilan nang pagka-cancer mo. May point din naman siya dahil happy na siya sa simpleng buhay kaya hindi ko na pinilit.

Sinabihan na rin akong medyo light na lang na trabaho ang tatanggapin niya dahil sobrang napagod daw siya sa Minsan Lang Kita Iibigin, kaya kahit supporting role lang, okay na raw siya at least walang pressure.

Bongga rin naman iyang alaga ko!

Anyway, pinaghahandaan na lang nila ang nalalapit na panganganak ni Glydel, pero kahit papano naisisingit pa rin ni Glydel ang mag-taping sa My Binondo Girl. Pero siguro, baka ilang linggo na lang, pahinga na siya para ready na siyang manganak.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

18 thoughts on “Mag-inang Beth at Angelica Jones, todo-deny sa bantang pagdedemanda

  1. @Jelloe, yon ring isang kaibigan namin dito na Pinay na taga Cebu, nag retire din sila sa Cebu with her kano hubby. The rented a house in Minglanella, Cebu (hindi ako sure kong tama ba ang spelling ko sa Minglanella). They puchased expensive electronic equipment like DVD, huge flat screen tv, stainless steel refrigerator etc. They went out to the downtown for the day, when they came back to their house, wala na ang mga mamahalin nilang electronic equipment, yong back door, sira na. Kaya they moved to a gated community in Lahug, Cebu and then when her husband was driving their toyota car sa may Fuente Osmena blvd., someone purposely hit her husband’s car para makuwartahan sila and they enrolled their son in an exclusive school and they left strict orders to the school na no one is allowed to pick up their son except them, walang exception daw. My husband said, what kind of a life is that, you have no freedom and you are always scared and thinking bad about other people and you feel that you cannot trust anybody. Kaya siguro parang hindi masyadong sold itong husband ko to move there right now.

  2. @Jelloe, salamat talaga sa mga sinasabi mo, yon rin ang one reason kung bakit ang husband ko hindi pa gusto pumunta doon kasi natakot sya. May umuwi kasi sa pinas na taga dito at sinabihan yong husband ko na may nag retire daw doon na Australian with pinay wife, pinatay daw yong australian husband sa tiyuhin rin ng pinay na asawa ng Australian dahil nagnakaw daw ito, naabutan daw sa Australian kaya pinatay daw ito sa tiyuhin para walang testigo pero ang asawa na pinay ang tumistego na ang uncle daw niya ang pumatay, kaya natakot ang husband ko. Jelloe, alam mo ba na noong umuwi kami doon, nagpunta kami sa Cebu, while walking in front of Gaisano sa may University of the Visayas campos, (same street I mean), a child’s hand was inside my husband’s pocket, my husband held the boy’s hand kasi na feel nya yong hand ng bata sa pocket nya. Sinabihan ko ang husband ko na let go of his hand kasi may mga ibang bata na tumakbo patungo sa aming direction at sinabihan kami sa mga taong paligid sa amin na tamakbo kayo sa loob ng Gaisano, kasi yong ibang mga bata raw ay mga look out at may mga knife daw yon na dala. Natatakot kami at binayaran namin ang security guard ng Gaisano to walk us out and ang get us a taxi. At noong namalenke rin kami sa merkado, noong nakita nila na puti ang husband ko, tinaasan ang presyo kaya nagalit ang husband ko pero naka understand naman sya sa kahirapan sa atin pero sabi nya na for as long as we live there, he will never have a normal life because he said he will always be looking over his shoulder daw. Kaya everytime I asked him to go back there, he will always say maybe next year, palagi na lang next year. Jelloe salamat talaga at naging totoo ka sa akin.

  3. MARIA MAGANDA NGA DITO SA PILIPINAS PERO NAISIP MO RIN BA NA DITO HINDI SAFE .LAGING MAY CARNAPPING,SNATCHING AT KIDNAPPING.PATI KATULONG MO PAPATAYIN KA.MAGANDA NGA DITO AT MARAMING MAKADIYOS PERO SA SOBRANG HIRAP AT PAGNANAKAW NG MGA PULITIKO LUMALA ANG KRIMEN.KAYA MAG ISIP KA MARIA BAGO KA MAG RETIRO DITO KAHIT SA PROMBINSYA GRABE NA REN.

  4. NAKU MARIA HUWAG MO NG PAG AKSAYAHAN NG TIME SI TANGA.KAYA NGA TANGA ANG NAME NIYA .KAHIT ANDITO AKO SA PILIPINAS HINDI AKO BITTER SA MGA KABABAYAN NATING MAY MAGAGANDANG BUHAY SA IBANG BANSA KASI NAGPAWIS SILA.POOT NA POOT AKO SA MGA ULANGHIYANG PULITIKONG KURAKOT AT MGA REPORTERS NA TULAD NI LOLIT SOLIS NA NAKIKINABANG SA KANILA.SUPORTOHAN NA LANG NINYO ANG MGA ARTISTANG NAGBABANAT TALAGA NG BUTO AT MAY TALENTS.LOLIT BAYARAN KA.MASAMA IYAN.PAREHO KA NA NG MGA AMO MO.MAGNANAKAW KASI NAKIKINABANG ANG PAGMUMUKHA MO

  5. @Revillas are kurakot, nakita ko yong post mo doon sa article about Heart Evangelista, taga u.s. ka rin pala. Saan sa bay area ang Barrio Fiesta? Sana makapunta rin ako roon kasi maski matagal na ako dito sa u.s. pero pinay at heart pa rin ako, kumakain pa rin ako ng rice (brown rice) every night at ang kano kong asawa, gustong gusto ang picadillo, pancit bihon, turon, fried lumpia at especially yong special halo halo natin. Hay nakaka miss nga.

  6. @jelloe, agree ako sa yo about yong mga politiko na nangungurakot sa pera ng goberno. Kung wala lang kasi ang mga dishonest na official na yan, siguradong hindi ganito ka pulubi ang pinas ngayon. Tingnan mo ang Singapore na strict talaga sila at they emphasize on honesty, kung pupunta ka sa Singapore, ang linis at disiplinado ang mga tao doon,, walang tulakan sa bus station at very honest sila at respectful ang mga tao doon at makakalakad ka even at dawn na feeling safe ka talaga. At yong mga seksing billboard around Metro Manila, tanggalin na lang sana kasi hindi malinis tingnan yong mga billboard, they are just promoting low class status of filipino women na halos hubad na, parang wala ng dignidad tingnan.

  7. @Revillas are kurakots, hindi pa kami makauwi doon kasi kailangan pa namin patapusin ang mga pinapaaral namin. Ang husband ko rin may pagka old na rin at marami na ring health issues at gusto niya muna dito kasi of his health. Kung ako lang sana ang mag-isa, i like the lifestyle sa pinas kasi makakain tayo ng fish everyday, dito ang mahal ng isda, puro chicken, pork, beef ang mas mura at nakaka heart attack naman. At sa pinas, maski mahirap pero yong lifestyle doon parang mas relax kesa dito. Sa amerika, nagmamadali ka palagi at walang oras dito na sinayang, ang mga tao dito parang trabaho lang ang lifestyle nila. Very stressful tingnan dahil kasi dito there are lots of bills to pay, hindi ka makapag drive dito kung wala kang car insurance, you have to buy health insurance kasi ang mahal ma-ospital at magkasakit dito, and those kinds of insurances are very expensive here. At dito rin, hindi mo kilala ang mga neighbors mo kasi very private sila. Hindi kagaya sa pinas na masaya lalo na kung may neighbors ka, we visit each other. Pero dito ang mga puti, they work every day kaya they are only home during the evening and when they are home, they do their laundry, magluto, maglinis sa bahay kasi mahal ang may maid dito. Someday, kung matapos na namin ang obligasyon namis sa pagpa-aral, plano talaga namin na uuwi doon sa pinas. Yong iba kung kasamahan sa ospital na mga pinay, sinabihan ko na ibenta yong malaking bahay nila dito at bumili sila ng maliit na bahay dito at yong sobra ibili nila ng condo sa pinas for future retirement abode nila doon sa pinas. Sana makinig sa akin.

  8. @Tanga, hindi ako nagyayabang, dito nga ako nakatira sa tate pero kung mag shopping ako sa mga gamit ko, doon ako magshopping sa value village, salvation army, goodwill and the likes and if you don’t know these places, i will tell you that these are second hand stores or what you call here stores selling used things. At sa pagkain naman doon kami sa budget stores like walmart at costco and i am not ashamed to let everyone know this. My point is sometimes your stress in life is brought on by yourself depending on the choices of your lifestyle you make. I don’t have stress in life because i know very well how to handle my finances. My pinay friends here have lots of stress because they have to work double to pay for their expensive lifestyle, so yon ang ini explain ko dito base of Lolit Solis article here regarding sa mangutang ng malaking bahay maski may bahay naman na fully paid na. My gosh, sa haba ng pagka explain ko dito, i hope you will get it this time.

  9. Hoy Tanga, tanga ka nga, kung may klaro kang pag-iisip, hindi mo isipin na nagmamayabang ako, sinasabi ko ang totoo na hindi na kailangan pa ang mga material na bagay sa estado ng ekonomiya ngayon. For your information, working student ako noon sa Pinas while I was going to college to pay for my nursing degree, pulubi kami noon at dami kaming magkapatid na hindi makakain sa tatlong beses sa isang araw. Ako ang nagpursigi sa pag-aaral para maiahon ko ang kahirapan naming lahat, at pumunta ako dito sa amerika not for me but for my family. I got lucky at nakapangasawa ako ng kano na mabait at tinulungan namin ang family ko at nakapagpatapos ako lahat sa mga kapatid ko at nakapagpaaral rin ako sa mga kapitbahay namin. So kung may isip ka TANGA, gamitin mo itong lifestyle ko na something you can do to yourself as well, na parang positive role model na maski anong pulubi ka pa kung magsikap ka at wala kang kinatakutan, marating mo talaga ang gusto mo sa buhay kung gamitin mo rin lang sa tamang paraan ang pagwaldas mo ng pera. O ano dito ang hindi mo pa naintindihan. Tanga kailan kang mag-aral para hindi ganuun ang pang-isip mo, sirang ulo ika. Kaya ganyan ang pagkapulubi ng pinas dahil sa mga katulad mong walang pang-iisip,. Isa ka pa sigurong palamunin ng goberno natin. Yong pag-iisip mo nakakahiya. Bumukod ka nga para naman umasenso yong pag-iisip mo. Huwag mo akong unahan ng walang modo mong komento, hindi kita uurungan pero hindi ako magsasabi ng sagwa na salita kasi hindi kita patulan sa mga bastos na pananalita. Go back to school.

  10. Maria, you look like someone who’s retired. Uwi ka na lang sa Philippines. Spend your dollars there to help the economy. Kayo rin, mga balikbayans. Instead of going to Europe, sa Pinas na lang kayo magbakasyon. Going back to the Jones’, Angelica has a pretty face. Sana hindi niya ginamit ang kaseksihan niya sa pagpili ng roles. Puwede siya sa more serious roles. She needs to get rid of her mom. Nagmumukhang pimp si mommy.

  11. Dapat na imbestigahn talaga yang mag inang yan..daming ginagawng kalukuhn yan eh
    Kasalnan nng mga bbomoto dyan..tatanga nila para iboto aang tangang
    Gaya ni anglca jones,plus the nanay..dapt makulong silang dalawa..
    Hehe…

  12. may sayad ang mag inang iyan beth at angelica bakit kasi pinagpapansin pa ng mga reporters e dedmahin na lang ninyo para maglaho ang mga iyan i boycot ninyo

  13. korek ka maria.ibang tao nga nagnanakaw pa sa kaban ng bayan at isinasanla ang mga kaluluwa nila kay santanas para lang maghakot ng kwarta mabasa sana ito ng mga walanghiyang kurakot na mga pulitiko at least si tonton malinis hindi katulad ng alaga mo ding mga revillas awooooo

  14. Sorry Junibelle, marami akong pina-aral na mga kapitbahay namin sa Pinas, para makatapos na sila at hindi na kumatok sa bahay ng mga magulang ko. :) hehehehehe!

  15. Lolit, so what kung maliit yong townhouse ni Tonton kung bayad na, Yong iba nga doon walang townhouse at mas maliit pa sa townhouse yong tinitirhan nila, nagkasya nga sila. Uutang ka pa ng malaki na bahay pero kayod ka naman sa trabaho at kung mawalan na naman ng trabaho, anong gagawin ni Tonton? Di ma stress na naman, kaya correct si Tonton na hindi nakinig sa yo Lolita kasi sa buhay ngayon praktikal na. Ang laki ko ng sahod dito sa amerika as a nurse pero yong bahay namin is only 1,600 sq.ft kompara sa ibang mga kaibigan kong nurses dito na mga pinay na ang bahay nila tig 6,000 sq. ft pero overtime sila ng overtime para makabayad ng $4,000 dollars a month sa mortgage nila. Yong sa akin fully paid na kasi second hand lang yong bahay ko at mura lang pero i have a roof, walls and sahig. That is what matters, wala akong mortgage at hindi ako stress sa buhay ko kasi hindi na ako kailangan pang mag overtime para ibayad sa malaking bahay, BMW car at LV bags or ano pang mga walang kuwentang bagay. Magpasalamat ka at ang alaga mong si Tonton sensible, responsible at isang mabait at hindi hambog na tao. Suwerte ni Glydel Mercado. At mabuti na rin yong maliit ang bahay nyo kasi para hindi maging spoiled ang mga anak nyo, they will have to do and accept what’s around them para magsikap at mag-aral. Yong ibang mga anak na lumaki sa malaking bahay have it easy in life, not all at most of them are. Yon ang mga anak ng mga co-nurses ko dito, may mga BB na maliit pa. Sinabihan ko na bigyan na lang sana nila ng flip phone ang mga bata kung gusto man nila i monitor kung saan na ito, yong BB napakamahal yata kaya yon spoiled ang mga anak at walang manners at yong mga kaibigan ko kung ma delayed sa payment dito sa aking tatakbo para manghiram, nakakainis. Kaya Lolit huwag mong i devil ang thoughts ni Tonton.

Leave a Reply

Your email address will not be published.