Mag-ina, tinuhog ng ama-amahan

 

KULONG ANG ISANG lalaki matapos pakialaman ang mag-ina na itinuturing na anak at apo sa Navotas.

Nakilala ang suspek na si Leopoldo dela Peña, 49, ng V. Cruz St., Tangos ng lungsod.

Sa pahayag ni Olivia Lorenzo, 19, ng nasabing lugar, alas-2 ng umaga noong nakalipas na Hunyo 7, 2011, nagising siya sa pagtulog nang marinig na umiiyak ang anak na babae na may edad 4.

Laking-gulat niya nang makitang dinadaliri ng suspek ang ari ng bata na naging dahilan upang mapasigaw.

Agad na umigtad ang suspek at lumabas ng bahay habang nagsumbong naman sa mga pulis si Olivia. At sa isinagawang follow-up operation ay nadakip si Dela Peña.

Ayon pa kay Olivia, limang taon na siyang ginawang parausan ng ama-amahan subalit tiniis na lamang nito. Subalit nang anak na niya ang pinakialaman ng suspek ay hindi na ito nagdalawang-isip na isumbong sa mga pulis si Dela Peña. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.