Mag-ina, tinamaan ng kidlat; anak, kritikal

 

PATULOY NA inoobserbahan sa ospital ang mag-ina sa Naga City matapos tamaan ng kidlat.

Batay sa inisyal na impormasyon, kritikal pa sa Bicol Medical Center (BMC) si Joel Regalia, 15, habang nagtamo ng paso sa braso ang ina nitong hindi pa pinapangalanan.

Bandang alas-2:30 ng hapon nitong Sabado, habang nasa sala sa kanilang tahanan sa Barangay Carolina ang mga biktima nang bigla na lamang umanong tamaan ang mga ito ng kidlat.

Sinasabing walang malay na dinala sa ospital ang mag-ina dahil na rin sa lakas ng boltahe ng kuryente na tumama sa mga ito.

Inaalam pa ngayon kung bukod sa mag-ina ay may iba pang residente na tinamaan ng naturang kidlat.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.