Mag-Ina, Sugatan sa Pamamaril

 

SUGATAN ANG mag-ina matapos putukan ang mga ito ng sumpak ng hindi pa nakikilalang lalaki habang ang mga una ay naglalakad pauwi kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Isinugod sa East Avenue Medical Center sanhi ng tama ng bala ng home-made shotgun (sumpak) sa kamay at katawan ang mag-inang sina Evelyn Abanes, 39 at Runel 20, kapwa residente ng Phase 1, Brgy., 178, Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Isang follow-up investigation naman ang isinagawa ng pulisya para sa pagkakilanlan at ikadarakip sa suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11 ng gabi, naglalakad ang mga biktima pauwi sa kanilang tahanan nang bigla na lamang paputukan ang mga ito ng suspek saka tumakas.

Agad namang isinugod sa nasabing pagamutan ang mag-ina upang lapatan ng lunas ang tinamong mga sugat habang inaalam na ang motibo sa naturang insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.