Mag-ina, Sugatan sa Nanloob na Kapit-Bahay

SUGATAN ANG isang ginang nang pasukin at saksakin ng kapit-bahay habang nasugatan din anak na nene ng una makaraang itulak ng huli sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Ginagamot sa Pagamutang Lungsod ng Malabon sanhi ng saksak sa kanag braso si Loreta Silvestre, 36 habang nagalusan naman ang anak na si Shakira Sandra, 6, kapwa ng Bangayngay St., ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Paul Louie Tubos, kapit-bahay ng mga biktima.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng madaling-araw, nagi-sing ang mag-ina dahil sa sunud-sunod na katok sa kanilang pintuan.

Nang buksan ng ginang ay nakita ang suspek na agad na nanaksak.

Nang makita ng nene na sugatan ang ina ay humarang suba-

lit itinulak ng suspek na naging dahilan upang matumba ang una at magalusan.

Dahil nabulabog ang ilang kapit-bahay ay napilitang tumakas ang suspek habang dinala naman ang mag-ina sa PLM, kung saan inaalam na ng mga pulis kung ano ang ikinagalit ng suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.