Mag-ina patay sa road accident

MALAGIM ANG sinapit ng mag-ina makaraang masangkot sa road accident na naganap sa bayan ng Talisayan, Misamis Oriental.

Kinilala ang mga biktimang sina Josephine Llenos, 30-anyos at ang anak nitong tatlong taong gulang pa lamang na si Saysan Llenos na residente sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, nakikisilong ang mag-ina sa waiting shed dahil sa pagbuhos ng ulan nang biglang bumangga ang isang fish car sa kani-lang kinatatayuan.

Nag-overtake umano ang nasabing fish car sa iba pang sasakyan nang mawalan ito ng preno at mangyari ang aksidente.

Dinala pa sa Northern Mindanao Medical Center ang mga biktima subalit dead-on-arrival na si Josephine at agad sumunod ang anak nito ilang oras ang nakalipas.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang hindi nakilalang fish car driver.

(E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.