Mag-Ina, Nalunod Sa Sapa

BANGKAY NA nang matagpuan ang mag-ina na iniulat na nawawala sa kasagsagan ng mga pag-ulan sa bayan ng Sipocot sa lalawigan ng Camarines Sur.

Base sa inisyal na report ng mga kinauukulan, kinilala ang mga nasawing sina Antonet Miserilla y Plumaje, 32, at anim na taong gulang na anak nitong si Errol John, mga residente ng Barangay Salvacion sa naturang bayan.

Ayon kay PO3 Glenn Dilanco, nakita na lamang ng mga residente ang bangkay ng mag-ina sa bahagi ng ilog sa Barangay Barcelonita na nasasakupan ng bayan ng Cabusao.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad, lumalabas na tinangay ng malakas na alon ang mag-ina nang piliting tumawid sa ilog sakay ng isang kalabaw.

Rumagasa umano ang malakas na agos ng tubig mula sa itaas na bahagi ng bukid at doon na natangay ang mag-ina gayundin ang sinasakyang kalabaw.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.