Mag-ina, Naabo sa Sunog

PATAY ANG mag-ina sa sunog na tumama sa Barangay Hacienda Conchita sa San Dionisio, Iloilo pa-sado alas-7:00 Biyernes ng gabi.

Halos naabo ang mga biktima na mag-inang Lila Villanes, 98-anyos at Santiaga Villanes, 75 matapos hindi makalabas sa silid ng nasunog na bahay.

Wala ring natira sa mga gamit ng mga biktima matapos ang halos 20-minutong sunog.

Sinabi ng ilang residente na sinubukan nilang tulungan ang mag-inang na-trap sa loob, pero dahil matibay ang dingding ng bahay, hindi agad sila nakapasok.

Matanda na rin ang mga biktima kaya nahirapan silang makalabas sa nasusunog na bahay.

Base sa pagsisiyasat ng Bureau of Fire Protection (BFP), napabayaang apoy sa kusina pinagsimulan ng sunog.

Samantala, umabot sa halos P200,000 ang halaga ng mga ari-ariang natupok sa sunog.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.