Mag-ina, Kinatay Dahil sa Selos

KASONG MURDER ang kakaharapin ng salarin sa pagpatay sa dating nobya at anak nito matapos na magpasakal ang babae sa kanyang pinsan.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Mary Jane Baldonado, 18-anyos at residente ng JP Laurel, Malungon, Sarangani Province.

Kalunus-lunos din ang sinapit ng kanyang isang taong gulang na anak matapos na pagtatagain ng ilang beses ng suspek habang ito’y nasa duyan.

Sinabi ni Police Chief Insp. Lorovie Rojo ng Malungon Police Station na pumasok bigla ang salarin na si Sherwim Lim, pinsang buo ng asawa ni Maryjane.

Pangalawang beses na umanong plano ni Lim na patayin si Maryjane subalit hindi nito nagawa kaya’t nang malamang wala ang asawa ng biktima na kanyang pinsan, biglang lumusob ang suspek bitbit ang 24 pulgadang itak at pinagtataga ang mag-ina na hindi na nakaabot sa pagamutan.

Samantala, kinuyog naman ng mga galit na residente ang salarin matapos itong pinahahabol at gustong bitayin dahil sa kanyang ginawang krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.