Mag-Ina, Ikinulong sa Loob ng Tennis Court

NAILIGTAS NA ng mga kinauukulan ang mag-inang ikinulong sa isang tennis court sa Barangay Almanza Dos, Las Piñas City kahapon.

Kinilala ang mag-ina na sina Fe Gadiente, caretaker ng court at kanyang anak na menor de edad na ikinandado umano ng security personnel ng homeowners’ association noon pang Huwebes.

Ayon kay Manolo Padrilan, presidente ng naturang tennis club, nakulong habang natutulog ang mag-ina sa loob dahil madaling-araw isinara ang court ng HOA.

Hindi muna pinaalis ang mag-ina dahil hindi pa umano tapos ang sigalot nila sa HOA ukol sa iligal na pag-takeover nito sa 2,000 metro kwadradong tennis court dahil aniya sa kabiguan nitong magpakita ng court resolution na magpapatunay ng kanilang karapatan sa tennis court, ani Padrilan.

Matagal na umano nilang pinangangasiwaan ang facility at hindi sila pumayag sa board resolution lamang na ipinakita ng HOA tungkol sa pag-aari na sa tennis court, giit ng tennis club. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.